20

24 2 0
                                    

"natanong ko lang senyorito dahil wala na akong balita sa kaniya" umiwas ako ng tingin, bakit ba ang seryoso niya?

"wala na akong balita sa kaniya simula nang ako'y umalis" napakunot noo ako, kamusta na kaya siya? Gusto ko siyang makausap baka mapahamak siya sa ginagawa niya.

"nag aalala ka ba sa kanya?" tanong niya habang umiinom ng kape.

"oo naman po, sige po senyorito bababa na po ako at baka po makita po ako ng mapapangasawa niyo" sabi ko saka tumalikod na.

"bakit ba kapag ako ang kasama mo iniisip mo ang iisipin ng iba?" napatigil ako sa sinabi niya saka dahan dahan na lumingon sa kaniya.

"kasi po bawal po talaga tayong magkasama ng matagal na tayong dalawa lang senyorito"

"bakit si Marco?" napapikit ako, ano bang naiisip nito?

"kasi po wala pong sabit sa kaniya, wala pong mapapangasawa" i bursed out, naiihi na ako eh pinapatagal pa niya.

"ako may sabit ganoon?" tumango ako sa kaniya, lalabas na ang ihi ko.

"ayos ka lang ba?" napatayo siya saka naglakad papunta sakin, shet mas lalo akong naiihi eh.

"namumutla ka" halos mag bend na ang tuhod ko sa pagpipigil ko sa ihi ko.

"anong problema?" nag aalalang tanong niya, shet hindi ko na kaya.

"shet! Naiihi na ako senyorito may banyo ba dito?" napatigil siya sa sinabi ko saka sumilay ang ngiti sa labi niya saka tinuro ang isang pinto. Agad akong tumakbo papunta doon.

Halos ibalibag ko ang pintuan saka umupo muntik ko nang hindi maibaba ang short at panty ko nabasa pa ata ang palda ko peste. Halos mapahinga ako ng maluwag nang mailabas ko lahat.

Inayos ko ang damit ko saka lumabas na napapikit pa ako at ngumiti saka hinawakan ang puson ko habang naglalakad palabas. Naabutan ko si Anton na nakasandal sa mesa habang nakatitig sakin agad akong napaayos.

"aalis na po ako senyorito"

"sandali" napatigil nanaman ako sa paglalakad at napaharap sa kaniya, para syang nagaalanganin sa sasabihin  niya. Go Anton! For the pride! Char.

"ano yun senyorito?" tanong ko sa kaniya saka humarap na sa kaniya.

"sa-" magsasalita na sana siya nang bumukas ang pinto at biglang pumasok si Rosaly, agad akong napayuko pangit ugali neto eh.

"anong ginagawa ng kasambahay niyo dito Anton?" alam kong nakangiti siya pero ramdam ko sa boses niya na hindi niya gustong andito ako.

"mauuna na po ako senyorito senyorita" sabi ko saka nagmamadaling lumabas na. Kailangan ko silang iwasang dalawa baka ako pa ang maging kontrabida sa istorya nila dito eh.

Lalayuan ang taong gusto ko? Hirap peste. Naglakad na ako pababa sa mansyon at nakita ko si Emiliana agad naman nanlaki ang mata niya at halos madapa makalpit lang sakin. Shipper talaga namin tong babaeng to.

"ibig sabihin andoon ka sa taas?" biglaang tanong niya, tumango naman ako.

Naiwan ang dalawa sa taas, pwede bang maiwan lang silang dalawa doon?

"senyorita may tatanungin lang sana ako" sabi ko sa kaniya habang nagtitingin siya ng librong dala niya.

"ano iyon?"

"hindi ba't hindi pwede na walang kasama ang lalake at babae kapag silang dalawa lang?" napatingin siya sakin saka niya napagtanto.

"pumunta ka sa taas Lucianna balikan mo sila. Kahit magpapakasal na sila sa susunod na taon ay hindi sila pwedeng iwan sa silid na iyon ng silang dalawa lang" seryosong sabi niya, agad naman akong naglakad na. Kami nga dalawa lang kami noon sa kwartong iyon eh.

The Forgotten Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon