8

31 1 0
                                    


"Lucianna kasama mo pala si Alejandro" nakangising sabi sakin ni Emiliana nang salubungin niya ako sa daungan.

Bumati naman si Alejandro kay Emiliana, paniguradong aasarin nanaman ako ni Emiliana pagkaalis neto sa lalaking ito.

"mauuna na po ako mga Binibini at may gagawin pa po ako" nakangiting sabi ni Alejandro, tumango naman si Emiliana nabigla ako nang lumapit sakin si Alejandro at hinalikan ang kamay ko.

Namula ako sa ginawa niya, sa tanang buhay ko hindi ko pa nararanasan ang maganun ngayon lang! Pesteng yawa naman! Nakaalis na si Alejandro pero tulala parin ako, narinig ko ang tawa ni Emiliana kaya naman nabalik ako sa reyalidad.

"mukhang kinikilig ka ah, kamusta ang puso mo?" aaminin kong naoverwhelmed ako pero hinanap ko yung kaba sa puso ko.

Wala. Walang kaba ang naramdaman ko, hinahanap ko yung pagkaba ng puso ko sa tuwing nasa malapit si Anton, sa tuwing kausap niya ako pero wala talaga.

Sinama ako ni Emiliana sa bahay nila doon at gaya nanaman ng probinsya ay namamangha ako dito. Wala na ang nga building puro kahoy at mga puno malawak na kapaligiran.

"doon ka muna mananatili habang nandito pa tayo" tinuro niya ang isang kwarto kaya naman nagtungo ako doon, mag isa lang ako talaga dito.

Inayos ko ang gamit ko saka ko naalala ang sulat na pinapabigay ni Senyora. Umalis ako sa kwarto at naglakad patungo sa silid ni Emiliana kumatok ako doon at nang magsalita siya ay pumasok ako.

"senyorita may pinapabigay pa po pala si Senyora Rosaly" inabot ko sa kaniya ang sobre binasa niya iyon.

"kung ganoon tayo na, magsuot ka ng magarbong damit" nakangiti niyang sabi, kung meron lang sana sinuot ko na.

"huwag na po senyorita eto nalang po at bawal po iyon dahil nagtatrabaho lang ako sa mansyon" pero sa gulat ko ay hindi ako nakasalita at hinila niya ako, nilabas niya ang isang damit na nakatupi.

"p-pero"

"bilis!" tinulak niya ako sa banyo doon at nagpalit na ako, inayos ko iyon kahit hindi ko alam isuot.

Paglabas ko ay naghihintay siya sakin sa upuan na kahoy, walang sofa? Char. Wala nga kaming sofa eh.

"ang ganda mo Lucianna nakakaiyak" natawa ako sa reaksyon niya.

"gusto ko sanang sabihin kay ama na sana ampunin ka pero baka may magalit" natatawa niyang sabi, sino naman?

Hindi kami sumakay ng kahit ano, naglakad lang naman kami ng malayo okay lang sakin dahil sanay na ako eh.

"sa makalawa pa tayo makakabalik sa ating tahanan" biglang sabi niya ng naglalakad kami, puro malalaking bahay na ang nadadaanan namin.

Hanggang sa makapasok kami sa isang gate na malaki at nakita ko ang mansyon rin na malaki, deretso lang kami hanggang sa kumatok siya sa pinto bumukas iyon at iniluwa ang isang matangkad na lalaki.

"magandang umaga ginoo may nais lang sana akong ibigay galing sa akin ina" magalang na sabi ni Emiliana, sumunod naman ako na yumuko ngumiti ang lalaki at binuksan ng malaki ang pintuan.

"pumasok ka Binibining Emiliana at isama mo ang maganda mong kasama" napatango naman siya saka kami naglakad papunta sa loob.

Mas walang tao dito kaysa sa mansyon sa probinsya, naupo kami sa mahabang upuan sa may sala nila.

"pinapabigay po ng aking ina ang liham na ito" dahan dahang nilapag ni Emiliana ang sulat, nang biglang nakaramdam ako ng parang nababanyo.

"binibini bakit parang hindi ka mapakali?" napatingin ang dalawa sakin saka ako ngumiti, tangina naiihi na ako.

"mag cc- este saan po ba pwedeng magbanyo dito ginoo?" nakangiting sabi ko, may tinawag siyang isang kasambahay at lumapit sa amin.

"samahan mo ang binibini sa palikura" tumango naman ang kasambahay, tumayo na ako saka mabilis na sumunod sa kaniya.

"dito po binibini tawagin niyo po ako kapag may problema" hindi ako sanay na pinagsisilbihan ako, i'd rather so it myself than asking another person.

Nang matapos akong umihi ay lumabas na ako pero walang tao, wala talagang katao tao dito eh. Kung sa panahaon ko malamang tawag dito haunted mansion.

"Binibini"

"punyeta!" impit akong napasigaw nang may magsalita sa gilid ko na matanda, eto naman si lola eh nananakot.

Nakangiti siya sakin, ngumiti rin ako kahit parang naihi ako ulit sa gulat ko kanina. May hawak siyang tungkod at naglakad palapit sakin, nabigla ako ng hinawakan niya nag pisngi ko.

"hindi ka nagmula dito sa mundong ito ano?" nabigla ako sa tanong niya, napatanga ako sa sinabi niya. Gagi alam ba niya?

"hindi ka makasagot mukhang tama ako" binitawan niya ang pisngi ko saka ngumiti.

"huwag kang mag alala hindi ko sasabihin sa iba sapagkat alam kong may misyon ka"
Oo lola meron, pero hindi ko alam kung magagawa ko pa eh ang bagal ba naman.

"h-hindi po totoo yun taga dito po ako" umupo siya sa isang upuan malapit sa amin.

"huwag mo nang ipagkaila binibini"

"paano niyo po nalaman?" paano nga ba? May sign ba sa ulo ko?

"sapagkat ako'y isang kagaya mo rin" literal na nanalaki ang mata ko sa sinabi niya.

"kagaya mo'y nagmula rin ako sa realidad at hindi na nakabalik pa"

"b-bakit po?"

"hindi ko nagawa ang misyon ko at umibig ako sa isang taga dito" malungkot na sabi niya, oh god!

"a-asan na po siya lola?"

"Pinaslang siya ng aking ama dahil sa nakabuntis siya ng iba habang nalalapit na ang kasal namin. Ilang bese kong gustong pigilan ngunit lahat ng saya na naramdaman ko may kapalit pala" nakita ko ang pagtulo ng luha niya kaya naman nataranta ako.

"ang pagpili ko sa kaniya ay kapalit ng pagkamatay niya, kailanman man ay hindi ko naisip iyon dahil nalinlang din akk ng panahon" nakangiti siya pero malungkot amg mukha.

"kung kaya't ako'y nabuhay na wala siya sa piling ko at kami lang ng anak ko" napaisip ako sa sinabi niya, in the first place naman talaga ay hindi na pwede.

"lola gaano na po kayo katagal dito?"

"matagal na hija, 18th century ako napadpad dito at hindi na nakabalik pa. Hindi ako kailanman bumalik sa simula lahat ay pareho sa mundo ko at dito ngunit hindi pareho ang nga tao"

Pareho ang tao? Magkaiba ang sitwasyon namin ni lola. Ako ay nagmula sa hinaharap hindi ako pamilyar sa lugar nato dahil sa pagbabago ng itsura.

"hija" sabay kaming napalundag ng matanda, nang lumitaw nanaman yung matanda.

"lola!" sigaw ko.

"ikaw nanaman pala" nakangiting sabi nang matanda na kausap ko kanina. Teka ano bang pangalan niya?

"nababasa ko ang naiisip mo binibini ang pangalan ko ay Cielo" ah ayun.

"oo Cielo ako nanaman" nakangiting sabi ni Lola, isa rin to hindi ko alam ang pangalan niya.

"ano nanamang pagsubok ang binigay mo sa batang ito" ha? Alam niya talaga? Nakangiti lang si lola sa sinabi ni lola Cielo.

"hanggang ngayon ba ay galit ka sa akin Cielo?" ano bang nangyayari?

"sa tagal ng panahon Juana nawala ang galit ko dahil na rin sa napagtanto ko na kao ang pumili ng mga gusto kong mangyari na hindi iniisip ang susunod" sakit naman ng sinasabi ni Lola Cielo nagmahal lang naman siya.

"at sa sagot sa tanong mo kanina tungkol sa batang ito" nakangiti siyang sabi, kinakabahan ako sa sasabihin niya hindi ko alam, alam ko naman ang pagsubok pero bakit kinakabahan pa ako.

"hindi ako ang may gusto nito kundi ang lola niya"


The Forgotten Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon