24

23 1 0
                                    


Sa sinabi niya na iyon ay nakangiti ako sa lahat ng ginagawa ko, nagtataka na nga sila sakin eh kung bakit daw ako nakangiti. May masama ba? Masaya lang naman ako ah.

Kaya naman pagkatapos nang panghapunan ay pumunta agad ako sa kwarto para magpalit ng damit, hinintay ko munang makatulog silang lahat bago ako lumabas ng kwarto ko.

Tumingin ako sa paligid at sinisiguro kong walang tao, halos madapa pa ako na bumaba ng hagdan dahil sa pagiingat ko. Lumabas ako ng mansyon saka umalis na, nagpunta ako sa likod para doon maglakad.

Ilang minuto pa akong naglakad hanggang sa makarating ako sa maraming puno, konti nalang ang tao dahil tantya ko ay alas nwebe na ng gabi. Naglakad na ako kahit nanginginig na ako sa takot dahil mag isa akong naglalakad.

Nang makita ko ang puno ng nara ay nagexcute na ako ibig sabihin ay andoon na siya. Binilisan ko ang maglakad, sumulpot ako sa likod at nakita ko siyang naghihintay napangiti ako.

Saktong lalapit na sana ako nang matanaw ko ang isang babae kaya naman nagtago ako sa isang puno, biglang tumayo si Anton nang lumapit ang babae at doon ko napagtanto na si Rosaly pala ang babaeng iyon.

Bigla akong nanlumo akala ko ba kami ang magkikita ngayon? Bakit meron si Rosaly. Nagusap pa sila pero hindi ko marinig, nakita ko lang na ngumiti si Rosaly saka tumango naman si Anton. Hinawakan na ni Rosaly ang braso ni Anton saka sila naglakad. Nakita ko pang ginala ni Anton ang paningin niya saka sila umalis.

Napakapit ako ng mahigpit sa palda ko saka tumalikod na pero nang pagtalikod ko ay nagulat ako nang meron si Emiliana na nasa tabi ko.

"s-senyorita" sabi ko pero seryoso lang siyang nakatingin sa dalawa saka siya bumaling sakin.

"nasundan pala talaga niya" sabi niya na parang may alam siya, ngumiti siya saka hinawakan ang kamay ko. Naglakad na kami palabas ng gubat na iyon, naiiyak ako sa nakita ko nawala ang saya ko kanina.

Aalis na sana kami ng makarinig kami ng putok ng baril napatigil kami hindi ko alam pero agad akong tumakbo pabalik doon at tinahak ang daan nila Rosaly kanina.

Nakita ko sila sa isang puno nakaupo ang dalawa habang hawak ni Rosaly ang braso ni Anton na nadaplisan ng bala. Nakakita ako ng anino sa gilid, agad akong tumakbo papunta sa direction nila nang maaninag kong tinutok nanaman ng taong iyon ang baril.

Kasabay ng pagputok ng baril ay pagtama ng bala sa likod ko, hindi ko ininda ang sakit at tumingin sa taong iyon. Saktong kumidlat saka ko nakita ang taong iyon.

Halos malaglag ang panga ko nang makita kong matanda iyon, familiar siya! Nakita ko na siya! Pinilit kong tumayo kahit sinisigawan na ako ni Emiliana, tumakbo ako papunta sa kinaroroonan niya pero bigla siyang nawala.

"sino ka?!" buong lakas na sigaw ko, naglakad pa ako para mahanap ang taong iyon pero nakalayo na ako ay walang bakas na naiwan niya.

Napaupo ako doon at ininda ang sakit na tumama sa likod ko, tagiliran. Pinunit ko ang palda ko saka tinaas ang pang itaas ko ang binalabal ang maliit na tela. Tumayo ulit ako meron parin ang bala sa likod ko, hindi nakita nila Emiliana na natamaan ako ng bala kaya kailangan kong maging okay hanggang sa malunasan ito.

Saka ako napaisip, yun ba ang gustong pumatay kay Anton? Pero bakit? Sino ba iyon? Anong kasalanan niya? Sa puntong iyon maraming tanong ang bumubuo sa isip ko at alam kong may pagsubok nanaman ang haharapin.

"Lucianna!" nagulat ako ng may sumigaw, hindi iyon boses ni Anton. Hindi iyon makakapunta dito dahil narin sa nadplisan siya at panigurado alam na ng magulang niya.

The Forgotten Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon