Nasa kalagitnaan ako ng paggala ng mata ko sa paligid ko nang makarinig ako ng isang sigaw, napatingin ako doon at tumatakbo papunta sakin ang isang babaeng magara ang suot na baro't saya at ang ganda niya."Senyorita Emiliana mukhang masakit po ang ulo niya" Emiliana? Siya yung sinasabi ni Amihan? Kumpara sa suot ko na simple ay mas magara sa kaniya.
"paumanhin senyorita pero mapapagalitan po kayo sa iyong ama sa binabalak niyo" ano ba yun? Naguguluhan parin ako.
"hindi naman malalaman ni ama basta kasama ko si Lucianna kaya tara na!" wala na akong nagawa nang hilahin na niya ako pumunta kami sa likod ng bahay may bakuran doon saka kami lumagpas at nakita ko ang malawak na kamaisan.
"hay Lucianna nais kong makita ko na si Kuya" ha? Sinong kuya niya?
"a-ahh paniguradong siya rin po" natawa naman siya sa nasabi ko, pagkaliko namin sa isang daan ay may nag aantay na lalake doon nakasuot ng pang heneral na damit.
Tumakbo si Emiliana papunta sa kaniya at niyakap siya, Emiliana! Naalala ko na siya yung nasa libro. Binuksan ko ang librong hawak ko pero walang nasalulat na kwento.
Nakatayo lang ako doon iniisip kung ano ba talagang nangyari sakin? Paano ako nakapunta dito? At itong libro paano ba to?
Nanatili kami ng ilang minuto pa doon magdamag na nag usap ang dalawa at isa lang ang masasabi ko mukhang inlove sila sa isa't isa.
Makalipas ang ilang minuto inaya na niya akong umalis, pero bago kami naglakad pabalik ay humabol pa ang lalake at hinalikan sa noo si Emiliana napangiwi naman ako. Ako na walang jowa alam ko naman eh.
Naglakad na kami habang kinikilig pa siya sa daan.
"b-bakit naman kailangan mo pang magtago?" alanganin na tanong ko.
"nakalimutan mo na ba? Ayaw ni ama na may relasyon kami ng isang heneral dahil maaga daw akong mabyuda" byuda agad? Grabe naman sa amin nga kahit hindi heneral byuda agad.
Nakarating kami sa bahay nagpaalam si Emiliana sakin saka pumunta na ata ng kwarto niya, ang lawak ng bahay at naiwan ako sa hallway madaming antigong bagay ang nandito.
Teka sana ba ako pupunta? Napakamot nalang ako sa ulo nang hindi ko alam ang pupuntahan ko. Naglakad lakad ako at nalagpasan ko ang malawak nilang sala, nanlalaki ang mata ko habang tinitignan ang mga kagamitan.
Napatingin ako sa libro nang mapansing may nakasulat na dito pero isang word lang at ang word na iyon ay ang simula. Kanina bo ang librong ito at bakit ako ang magtutuloy?
"hija" ayun nga at muntik nanaman akong mahulog sa hagdan, papunta na kasi ako sa taas eh.
"lola?" sabi ko nang makita ang isang matanda, yung matanda na sinundan ko ito. Agad agad akong lumapit sa kaniya saka hinawakan ang kamay niya.
"lola asan po ba ako? Gulong gulo na po ako" naiiyak kong sabi, hinaplos niya lang ang kamay ko.
"nasa libro ka na hawak mo" biglaan niyang sabi totoo nga? Libro itong mundong ito? Pero paano ako nakapunta dito?
"ikaw ang nakatakda na magtutuloy sa kwento" napakunot ang noo ko.
"anong kwento lola? Don't spill jokes on me lola at kinakabahan ako gusto ko nang umuwi" umiling siya sa sinabi ko.
"hindi ka makakauwi hanggang hindi mo nagagawa ang misyon mo" ano nanamang misyon yan? Bakit ako pa?
"bakit ako pa lola?"
BINABASA MO ANG
The Forgotten Story [COMPLETED]
Dla nastolatków"ako mismo ang tatapos sa istoryang ito"