31

34 2 0
                                    

Dalawang araw. Dalawang araw matapos mawala sila, halos wala akong ganang kumain o ano pa man. Sa makalawa na ang kasal nila Anton walang namang nangyayaring masama kaya naman kinakabahan ako baka sa araw ng kasal ay magkagulo.


Binabantayan ko sila sa bawat galaw nila, kahit masakit sakin ang nakikita ko silang masaya. Andito ako ngayon sa gilid ng bahay nila, si Amihan ang nakikita kong tahimik gusto ko mang tumakbo papunta sa kanila hindi ko na magawa pa. Hindi pwedeng makita nila ako na buhay pa mas lalo akong nahihirapan, saka dumako ang paningin ko kay Emiliana, nagtataksil siya sa kasintahan siya hindi ko maatim na magagawa niya iyon.

Napatingin ako sa isang gilid lumabas mula doon si Anton, ngayon nanaman naiiyak ako gusto kong maramdaman ang yakap niya. Kahit isang beses lang pinalis ko ang luha ko na rumagasa na.miss na miss ko na siya.

Pagmasdan mula sa malayo ang masakit na ginagawa ko, umalis siya sakay ng kabayo niya kaya naman sinundan ko siya akala ko malayo angpupuntahan niya pero nang makaliko na siya ay bigla siyang bumaba nagtataka ako kung saan siya pupunta, sinundan ko siya hanggang sa makapunta siya sa paborito kong lugar. Taimtim lang akong nakatingin sa kaniya nang kumuha siya ng bulaklak saka naglakad papunta sa gitna at nilapag iyon.

Nakita ko ang pagpalis niya ng kanyang luha kaya naiyak narin ako. Saka ko nalaman na sa may parte kami noon na humiga ay nandoon siya. Lumapit pa ako sa kaniya nang makitang humiga siya saka pinikit ang mata, mahangin dito kaya naman masarap matulog. Ramdam ko ang pagod sa presensya niya.

“bakit nawala ka kaagad?” panimula niya, tinakpan ko ang bibig ko pinipigilang umiyak.

“hindi ko pa naipaparamdam sayo na mahal kita” gusto kong haplusin ang mukha niya at sabihin nalang na tama na andito na ako.

“Lucianna..” ang sarap pakinggan kapag binabanggit niya ang pangalan ko.

“nasaan ka na ba? Umalis ka na ba talaga? Iniwan mo na ako” saka siya may nilabas na tela saka ko napagtanto na yung balabal ko iyon niyakap niya ito habang nakapikit parin.

“ikakasal na ako sa makalawa. Gusto ko sana sa iyo maikasal p-pero..and daming pero” hindi niya matituloy tuloy ang sasabihin niya dahil narin sa iyak niya.

“kahit sana man lang kahit konting oras lang mayakap kita bago ako matali sa iba.” Tangina. Hiling ko na sana matapos na ang paghihirap na ito.

“Lucianna..mahal na mahal kita hindi ko man lang narinig mula sayo ang pangalan ko” saka ko aalala hindi ko pa pala nasasabi ang matagal na niyang gusting marinig kailanman ay hindi ko na masasabi pa ito.

Umalis na ako doon bago pa siya ulit magising, lumayo muna ako sa bahay kumalma lag ang nararamdaman ko. Alam ko namang malapit na ang pag alis ko ditto nararamdaman ko na eh ilang araw na lang matatapos na ang istoryang ito.

“ang damig nawala” natatawa kong sinabi, mababaliw na ata ako ditto. Mas nakakabaliw pala kapag nasa loob ka na talaga ng libro.

“kapag may nawawala may dumadating ba? Sa tingin ko wala na” natawa akong mag isa dahil sa sinabi ko, nakita ko ang mga tauhan na naghahanda sa simabahan nakita ko so padre Crisanto. Lalapit na sana ako nang makakita ako ng mga kawal na nagroronda kaya naman dumaan ako sa likod.

Pumunta ako sa pagkimpisalan kahit ngayon lang ilalabas ko lang sa diyos ang bigat ng nararamdaman ko, naramdaman kong meron ang pari doon kaya umupo ako.

“magandang umaga padre” wala pa man akong sinasabi pero nagbabadya na ang luha ko, bumuntong
Hininga ako saka nagsalita.

“padre..naging makasalanan ako” unang sabi ko sa kaniya na naluluha na.

The Forgotten Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon