9

27 1 0
                                    

"a-ano pong ibig nyong sabihin?" naguguluhang tanong ko, kailanman ay hindi ko nakilala si Lola.

Nakangiti sakin si Lola Juana, wala kong makuhang sagot at gusto kong malaman ang totoo kung bakit ako napadpad dito, bakit ako ang itinakda.

"ina?" napatingin ako sa pinto ng kusina at nakita ko yung lalaki kanina na kumausap samin. Nakasunod si Emiliana na nakangiti lumapit ang lalaki sa ina niya.

"ina magpahinga ka na po" banayad na sabi niya, kinalabit naman ako ni Emiliana at tinuro ang pinto sign na aalis na kami.

Naglakad na ako pero bago ako lumabas tumingin ako kay Lola Cielo nakangiti siya sakin saka kumaway, kumaway din ako at lumabas na ng bahay na tulala.

"bakit ka tahimik?" tanong ni Emiliana nang makalayo na kami sa mansyon.

"may iniisip lang ako"

"gusto mo bang mamasyal muna?" tanong niya sakin, tumango naman ako. Sinuot namin ang tela sa ulo saka hinila niya ako. Nakarating kami sa parang isang park malawak ito at mahangin.

"noong bata pa ako dito ako pinapasyal ni Kuya" masayang sabi niya habang naglalakad kami, sana may ganito din sa panahon ko.

"naiiyak lang ako kapag naaalala ko na ikakasal na pala siya sa taong hindi ko man lang kakilala" napatingin ako sa kaniya, i can feel the sadness in her voice.

"s-siguro mabait yun panigurado at maganda"

"gwapo si Kuya at halos lahat ng nakakasalamuha niya na babae ay nagkakagusto sa kaniya" oo alam kong gwapo crush ko pa nga eh.

"ikaw ba'y hindi nagwagwapuhan kay Kuya?" nakangiting sabi niya, kung alam mo lang makalaglag panty ang kagwapuhan niya.

"o-oo naman, iba yung dating niya"

"yiiee gusto mo siya?" saka niya sinundot ang tagiliran ko.

"h-hindi Senyorita at kung oo man ay hindi maaari dahil sa estado ng buhay namin"

Nalungkot siya sa sinabi ko, totoo naman eh kung sana sa panahon ko ay okay lang char.

"sa hinaharap kaya ganito parin ba ang sitwasyon?" hindi, magkaibang magkaiba ang sitwasyon.

"ewan natin, at kung mangyari man yun ay hindi na natin maaabutan"

Napatingin kami sa nakakasalubong namin na lalake at babae mukhang mga nagdadate, sana all nalang ako. Minsan na nga lang mainlove sa libro pa naku naman.

"si Alejandro ay ayaw mo ba?" isa rin yun na problema ko eh.

"g-gusto naman pero wala pa kasi sa isip ko" sabi ko sa kaniya.

"kung ganoon man ay ikaw ang bahala, gwapo naman si Alejandro" napatango ako sa sinabi niya, hindi ko naman itatangi na gwapo talaga siya eh.

"umuwi na tayo para makapagpahinga ka" naglakad na kami pauwi, madaming tao pero hindi magulo at mainit.

"Senyorita nagpadala po ng liham ang iyong ina" salubong sa amin ng isang kasambahay.

Dumeretso ako sa kwarto ko para magpalit na, magluluto pa ako ng pananghalian namin eh. Mas mabuti nang tumulong sa nga katulong dahil katulong din naman ako dito.

"Ligaya ano ang pananghalian natin?" tanong ko nang makapasok sa kusina, may isang kasamabahay doon.

"ahh gusto daw ni Senyorita ng adobo, at sya nga pala hinahanap ka niya" lumabas ako ng kusina at pumunta sa sala. Andoon si Emiliana na nakatulala habang nakaupo.

The Forgotten Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon