Prologue"Isa pang round!"
I smirked as I saw one of my classmate, Kevin, struggling as he massaged his right arm. Tanaw kong medyo namumula ang palad niya. Iritado at nakasimangot ito, maging ang mga kilay ay magkasalubong na.
"Sigurado ka?" tanong kong may ngiti sa labi.
His friends behind him laughed. Naghigh five ang mga ito sa isa't isa habang tumatawa. Kevin just glared at them while raising his middle finger.
Binalingan niya ako ng may inis sa mukha.
"Oo naman! Nakatsamba ka lang kaya ka nanalo!" aniya.
Natawa ako. Tsamba, my ass. You just can't accept that you'll never win against me.
"Tama yan, Kev! 'Wag mong hahayaang maapakan ang bandera mo!" halakhak ng kaibigan niyang si Jonathan.
Umayos ako sa pagkakaupo at nag de kwatro pa. Humalukipkip ako at saka ay ngumisi sa iritadong tao sa harap. Palagi'y natutuwa ako sa tuwing nahihirapan ang nagiging kalaban lalo na't karamihan sa kanila'y palaging iritado at hindi matanggap na ang isang babaeng katulad ko ay hindi nila matalo-talo. Pakiramdam kasi nila, masyadong naaapakan ang kanilang pagkalalaki.
Weaklings. Arm wrestling lang ay hindi nila magawang manalo laban sa akin.
"Tsamba? Eh ni isang beses nga ay hindi ka pa nananalo sa akin."
Kevin's face turned red. Sobrang iritado na ito sa akin panigurado. Bukod sa hindi siya manalo ay napapahiya na siya sa mga kaklase namin at sa. mga kaibigan niya.
Marami rami rin ang nanonood ngayon dahil hindi pa nag uumpisa ang klase. May mga taong nagsisiksikan sa magkabilang pintuan ng room. If I am not mistaken, they're from lower grades.
"Wala ka pala, Kevin, e!" kantyaw ng kaibigan niyang taga kabilang section.
"Shut up, Dave," mariing sambit ni Kevin.
Pinatong niya ang kaniyang kanang kamay sa mesang pumapagitna sa amin. Umayos siya sa kaniyang upo. He positioned his right arm.
I smiled. "Last na round na 'to, ha?"
Inilapit ko ng kaunti ang aking upuan palapit sa mesa. Umayos rin ako sa pagkakaupo at pinatong ang braso sa mesa. I bent my elbow placing it on the table top.
"Ang pusta ko ay kay Eli!"
"Ako rin! 500 bucks!"
"700! Pusta ko buong allowance ko sa isang linggo!"
"Tangina niyo! Pumusta naman kayo kay Kevin!"
Crowds were busy betting their choices. Marami akong naririnig na sa akin ang pusta at walang halos na pumupusta kay Kevin. Dahil doon ay mas lalo pang nairita si Kevin sa akin.
"Ang yabang mo. Tatalunin rin kita," he whispered, annoyed.
I shrugged my shoulders. Okay, let's see.
Mahigpit na humawak sa aking palad ang malaking kamay ni Kevin. I just loosely held it. Kita kong masyado siyang tutok sa kamay niyang humahawak sa akin. Siguro'y nag-iisip ng strategy para manalo?
Try harder, boy.
"Okay? Ready na?" si Caloy na kaklase rin namin ang nagsisilbing announcer. "Start!"
Kevin started with a hard grip on my hand. Halos durugin na niya ang mga buto sa kamay ko, marahas na sinusubukang maibaba ito. Nilakasan ko ang aking depensa.
Akala mo mananalo ka sa akin, huh?
"Mga kaibigan! Nahihirapan nanaman po ngayon ang ating naghahamon na si Kevin samantalang ang kaniyang hinamon ay halos walang makitang kahit na anong hirap sa mukha at nakangiti pa!"
BINABASA MO ANG
Fall For Me (Salaverio Series #1)
Любовные романыAgreeing with her bestfriend, Elianna made Helios fall for her. She wasn't expecting it to be easy and even to be successful. But Helios, being so head over heels with Elianna for quite long time now, it became easier for him to get closer to her. ...