Chapter 15

57 5 0
                                    


Chapter 15

Shy



I tightly closed my eyes. Hinayaan kong nakabukas ang mensahe ni Anda. Walang maisip na maireply sa kanya.

Shit. She just added Helios using my account! Siguro ay ginawa niya 'yon kanina pagkatapos ako gawaan ng account. I don't know! Bakit niya iyon ginawa? Dapat ay hindi niya ginawa!

Napamura ulit ako. Ano na lang ang iisipin ng lalaking 'yon sa pag add ko sa kanya. Ay, hindi! Sa pag add ni Anda gamit ang account ko pero ang labas pa rin no'n ay ako ang nag add! Uh! Siyempre hindi naman no'n alam na si Anda ang nag add. Iisipin noon ay ako!

Nakakahiya! Baka kung anong isipin niya sa pag add ko!

Wait... Why do I even care? Eh alam nga niya at naniniwala siyang may gusto ako sa kanya kaya bakit naman ako matatakot sa iisipin niya? He would probably think that I added him because I like him and I want to get close to him more!

Tumikhim ako at nilunok ang aalalahanin. Nag alala lang pala ako sa wala.

Nagtipa ako ng reply kay Anda.


Ako:

Ayos lang. I don't mind.

Isinara ko ang chat heads ng messenger at bumungad sa akin ang nakaopen na wall ni Helios. Ang kanyang display picture ay isang silhouette sa tabing dagat. I think it was him. He's standing so tall with both of his hands inside his pocket while watching the sunset. Ang kanyang cover photo naman ay tanging itim lang.

I scrolled down.

Hindi na ako nagulat nang makitang napakarami niyang followers. It was thousands of followers. Meanwhile, his friends were in private. Mutual friend lang ang naroon sa friends section at nakita kong mutual friend namin si Anda. Sa mga posts naman ay walang gaanong naroon. Puro iyon tagged photos galing sa mga pinsan niyang babae at kay Aelous.

Mga parties, holidays, and special events. I clicked the most recent post and it was some beach getaway. Nakalagay sa tagged location ay Timberland Resort. Naroon silang lahat na magpipinsan.

I scrolled down again and it were almost all the same. Iba iba nga lang na mga okasyon. Napansin ko rin ang dami ng mga likers nila. Umaabot ng libo libo pati na sa comment section. Dire diretso lang ako sa pagsscroll down nang may naadaanan akong isang pamilyar na post.

Iniscroll ko pataas para maibalik at itinigil nang makarating doon.

Ito 'yong post ni Aeolus na picture namin sa field. 'Nong nalate ako.

He shared it. Walang caption, tanging ishinare niya lang. Umabot sa daan ang likes nito kahit na nakafriends lang ang privacy. I clicked it.

May mga iilan ang mga nagcomment na hindi ko mga kilala. Nang-aasar kung sino raw ang kasama niya sa litrato. May mga comment naman ang mga pinsan niya.

Aeolus Mikhael S. Salaverio: A girl from our school.

Reply niya iyon sa isang comment na nagtatanong kung sino ako.

Zelus Arvyne M. Salaverio: Shinare pa, ah :D

Hypnos Kristoffer F. Salaverio: Sus, ikaw nga, Zelus, e. Sa IG mo puro ka story ng chikababe mo :P

Zelus Arvyne M. Salaverio: Anong ako? Si Thanatos 'yon! Gunggong!

Hypnos Kristoffer F. Salaverio: Ah, si Than pala 'yon. My bad! Hahaha!

Aelous Mikhael S. Salaverio: 'Yan kasi. Magbabalita na lang, mali mali pa.

Helios Lorenzo M. Salaverio: Umalis nga kayo rito. 'Wag niyong gawing group chat 'to, mga gago!

Fall For Me (Salaverio Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon