Chapter 35

57 6 5
                                    


Chapter 35

Discovered




Mabilis kong tinanggap ang nakalahad na kamay ng ate ni Helios. Ngumiti ito sa akin.

Nahihiya akong ngumiti sa kaniya habang binabalik ang kamay sa aking likuran. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya.

Napapatingin sa kaniya ang mga natitigilang mga estudyante sa paglalakad. Manghang napapatulala. Ang ate naman ni Helios ay parang wala lang sa kaniyang pinagtitinginan siya. O gaya ng kapatid niya, sanay na ito sa mga titig.

She cleared her throat. "Are you done with your class?"

Mabilis akong tumango sa kaniya. "Opo. Katatapos lang po."

Tumango siya pabalik sa akin. Napansin kong ang bawat galaw niya ay pino at limitado.

"Do you have some time? Let's have some coffee. My treat."

Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. Pero nakakahiya naman kung tatanggihan ko siya. At nakakahiya rin kung pauunlakan ko.

Unti-unti akong tumango. "S-Sige po..."

"Alright," ngiti niya. "Let's go? Nakapark ang sasakyan ko sa labas ng gate."

Naglakad siya paalis at sumunod ako sa likuran niya. Pagkalabas namin ng gate ay tumambad sa amin ang mamahalin niyang sasakyan. Mayroong dalawang unipormadong lalaki ang sumalubong sa kaniya at pinagbuksan siya ng pintuan sa likod ng sasakyan. Pumasok siya roon.

The other uniformed man opened the door beside me. Iminuwestra niya ang loob at agad akong pumasok. Pumasok rin ang dalawang lalaki sa unahan ng sasakyan at kaagad na pinaandar ito.

"By the way, you can call me Ate Skye," sambit ng ate ni Helios. "It's finally nice meeting you, Eli."

Nahihiya akong ngumiti. "Nice to meet you rin po, Ate S-Skye..."

Tumawa siya. "Drop the 'po'. Am I that old to make you use that word?"

Mas dumoble ang hiyang nararamdaman ko. "Sorry..."

Tumango na lamang siya habang nakangiti. Maya maya pa ay may tumawag sa kaniya kaya medyo nabawasan ang pagiging awkward ng paligid.

Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa ng maalalang may usapan kami ni Helios na magkikita ngayong uwian ko. Mayroon siyang vacant ng alas quatro hanggang alas singko dahil wala ang prof niya kaya gagamitin niya iyon para magkita kaming dalawa.

Agad akong nagtipa ng mensahe para sa kaniya.


Ako:

Huwag ka ng pumunta sa school. May pupuntahan ako.


Hindi ko muna sasabihin sa kaniyang magkasama kami ng ate niya. Mamaya ko na lang sasabihin pagkauwi ko ng bahay.

Agaran rin ang pagreply niya.


Helios:

Why? I'm on my way to your school. Where are you going? Sama ako.


I pouted. Naiimagine ko ang mukha niya habang sinasabi niyang sasama siya.


Ako:

Hindi na. Matatagalan ako. Balik ka na lang ng campus mo. I'll text you later when I'm home.


Wala pang ilang segundo ay nagreply siya ulit.


Fall For Me (Salaverio Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon