Chapter 13

51 7 0
                                    


Chapter 13

No Way


Walang lecture ngayong hapon dahil kailangan naming mag ayos ng aming booth para sa nalalapit na foundation day. We are excused for the whole afternoon.

"Nakakainis naman talaga si Joan!"

Kanina pa nag aalburuto si Bianca dahil hindi kami magkagrupo sa booth. Napunta ako sa booth ng mga pagkain samantalang silang dalawa ni Justine ay sa souvenirs booth.

Si Joan iyong naghati sa amin. Nahati sa lima na grupo ang section namin. Inis na inis si Bianca na hindi kami magkasama.

"Humanda siya sa akin mamaya sa paggawa ng booth!" dagdag niya sa pagrereklamo.

Unfortunately, Joan and Bianca were groupmates. Dagdan pa sa kinaiinisan niya ngayon.

"Hayaan mo na," sabi ko.

"Anong hayaan? Sinasadya niya 'to, e! If I know, she's just making this to pissed me off!"

Naglalakad kami patungong quadrangle kung saan itatayo ang mga booths. Nadatnan namin roon ang mga taga ibang section na mga grade 10 rin.

"Piss her off, too. Para makaganti ka," natatawang iling ni Justine sa tabi ko.

"Talagang iinisin ko siya! Akala niya, huh!"

Natatawa ko siyang binalingan. "Kapag ininis mo siya, mas lalo 'yong maiinis. Kaya inisin mo, Bia. Galingan mo para sobra-sobrang mainis!"

Humalakhak kaming tatlo. Panay pa rin ang reklamo ni Bia hanggang sa makarating sila sa booth nila. Bago ako humakbang ay narinig ko pang mataray niyang pinaparinggan si Joan.

"Ano ba yan? Bakit may nagmamagaling nanaman sa tabi?" sabay irap kunyari sa nakatayong si Joan sa gilid.

Umiling na lamang ako sa kanila at pinagpatuloy ang paglalakad patungong booth ko. Nasa gitna iyon ng quadrangle. Ang kina Bia naman ay nasa gilid, malapit lang sa gate ng building namin.

I don't know who my groupmates are. Ang alam ko kasi ay galing sa iba't ibang mga section ang sa kada booth. Ang kilala ko lang na kagrupo ay 'yong iba kong kaklase.

"Magkagrupo pala tayo, Eli!"

Biglang sumulpot ang nakat-shirt na si Kevin. May dala itong cartolinang pula at gunting sa kamay.

"Kapag nga naman minamalas," tugon ko.

"Bakit? Anong malas? Ayaw mo akong kagrupo?" makahulugan niyang sambit. "Crush mo siguro ako kaya ayaw mo akong makagrupo?"

I looked at him with disgust. The heck is he talking about? Napakafeeling niya naman kung gano'n.

"Hindi kita type," irap ko sa kanya at tinalikuran ko siya.

Naglakad ako patungong gilid ng tent. Narinig ko ang mga halakhak ng kung sino sa likuran.

"Suko na, Kevin! Wala ka namang kadating dating diyan kay Eli!"

Hindi ko sila pinansin at inabala ko na lang ang atensyon sa mga nagkalat na mga papel sa lamesa na narito sa loob ng tent. I checked it all. May mga letra sa kada colored paper at tingin ko'y gugupitin ito.

"Nandito na pala kayo."

A low baritone but playful voice talked. Nilingon ko iyon at tumambad sa akin si Cronus kasama si Amphitrite sa kanyang gilid. May hawak na bottled water si Amphitrite habang si Cronus ay may dalang box.

Naglakad siya at ipinatong ang box sa ibabaw ng lamesang nasa gilid ko. Pinasadahan niya ako ng tingin bago tumingin sa mga kasamahan naming narito na rin.

Fall For Me (Salaverio Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon