Chapter 37

73 6 5
                                    


Chapter 37

Marry




Noon, madalas kong tawanan ang mga taong umiiyak dahil lang sa pag-ibig. Madalas kong makita sa kanila ang pagiging mahina dahil sa bagay na iyon. Naiirita rin ako dahil bakit nila hinahayaang masaktan sila ng pag-ibig? Na kung sana ay ang utak ang pinapairal nila imbes na ang puso ay hindi sana sila nasasaktan.

Madalas ko ring kutyain ang mga taong naniniwala sa wagas na pag-ibig. At ang mga madalas na naniniwala pa roon ay ang mga nawawasak rin sa huli. Dahil sa anong dahilan? Eh 'di dahil sa pinapaniwalaan nilang pag-ibig.

Nilanghap ko ang sariwang hangin. Payapa ang lugar at tanging paghampas lamang ng alon ang ingay sa paligid. Minsan ay ang mga ibon, minsan naman ay ang mga lagitnit ng dahon mula sa marahang hampas ng hangin.

Ngumiti ako nang mapansin ang buhangin. Kahit na paulit ulit itong iniiwan ng alon ay nananatili pa rin itong naghihintay sa muling pagbabalik ng ng nang iwan rito. And everytime they meet again, they always collide.

Isang mainit na bisig ang yumakap sa aking baywang galing sa likuran. Sa amoy pa lang at hawak ay alam ko na kung sino siya.

"I missed you," bulong niya sa tainga ko.

Ngumiti ako para pigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Ang marinig ang boses niya't maramdaman ang init niya ay humahaplos sa aking puso. Sa rahan ng haplos na iyon ay nagdadala ng kakaibang sakit.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapulupot sa akin. Damn. I will miss his hands. I will miss him hugging me. I will miss his touch.

Huminga ako ng malalim at isinantabi ang mga iniisip. Puwede naman sigurong siya muna ang isipin ko sa araw na ito? Kami na muna ang iisipin ko. Puwede naman siguro 'yon? Magiging makasarili muna ako sa araw na ito.

Nilingon ko siya. Naabutan kong nakatingin siya sa akin ng may ngiti sa labi. I love it how he looks so blissful. Hinding hindi ko makakalimutan ang mukha niyang palaging nakangiti sa tuwing nakatingin sa akin.

"I missed you more," bulong ko.

Humigpit ang kaniyang yakap at umupo sa likuran ko. Kinulong ng mga mahahaba niyang mga biyas ang katawan ko. He put his chin on my shoulder.

"Hindi kita halos mahagilap sa bahay ninyo. Palagi kang pumapasok ng maaga. Are you avoiding me?"

Mabilis akong umiling sa kaniya. "May tinatapos kasi kaming project..."

Ang totoo ay isang linggo ko na siyang iniiwasan. Sa isang linggo na iyon ay miss na miss ko na siya. Parang parusa sa akin ang titigan na lang siya sa malayo. Sa tuwing nagpupunta siya sa bahay para sunduin ako ay nagtatago ako. Binibilin ko kay Mama na sabihin kay Helios na nakaalis na ako. Malungkot na umaalis si Helios sa tuwing gano'n. At napapansin ko na lamang ang sarili kong umiiyak sa mga araw na iyon.

I need to avoid him to think properly. Kinailangan kong pag isipang mabuti ang desisyong gagawin.

"Iyan rin ang sabi ni Anda," he sighed. "I thought I did something wrong and you're really avoiding me."

Sinabi ko ang lahat ng nangyari kay Anda. Sobrang bigat na ng loob ko at wala akong mapagsabihan na kahit na sino. Kaya naman ay napagpasyahan kong ibahagi sa kaniya. She listened. Hindi siya nagsalita ng kung ano.

"Stay strong, Eli. I'm always here. You can count on me. Dadamayan kita sa lahat," tahan niya sa akin nang hindi ko na napigilang mapahagulhol.

Gumaan ng kaunti ang mabibigat kong mga dinadala nang makapaglabas ako sa kaniya. Mabuti na lang ay mayroon akong kaibigan na gaya niya. Hindi ko yata makakaya kung sasarilihin ko ang mga problema ko.

Fall For Me (Salaverio Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon