Chapter 6

55 7 6
                                    


Chapter 6

Band aid



I've never been this bored my whole entire life. Buong practice game ay nakatunganga lang ako sa kawalan. Nag iisip ng mga bagay bagay at kung anu ano pa man. Wala akong naging interes manood ng laro sa harap. Ang naiisip ko na lamang ay umuwi at matulog.

"Ang galing mo Helios!" tili ni Bianca nang makashoot si Helios ng bola.

It was three points shot. Nang makapasok iyon ay naghigh five sila ng mga kakampi niya. He jogged and run to the other side of the court.

Nangalumbaba ako.

"Ang boring naman rito, Bia. Uwi na tayo," walang kabuhay buhay kong sambit.

Parang ako lang yata ang tanging nakaupo rito. Karamihan halos sa mga taong naririto ay nakatayo at nagchecheer sa mga naglalaro sa harap.

"Anong uuwi? Hindi tayo uuwi hangga't hindi pa tapos!" ani Bianca sabay tili ulit nang makashoot nanaman si Helios.

Pansin kong may kagalingan maglaro ng basketball itong si Helios, maging ang mga pinsan niya. Ito ang unang pagkakataon kong mapanood silang maglaro. Noon, sa tuwing nanonood si Bia ng laro nila ay hindi na ako sumasama at umuuwi na lang ng bahay para makagawa ng mga gawaing bahay.

Akala ko ay simpleng practice lang ang magaganap dito. Hindi ko naman akalain na practice game ito. Ang kalaban ng kampo nina Helios ay galing sa ibang eskwelahan, from Bicol University Senior High players.

Last quarter at lamang ang team nina Helios. 99-105 ang puntos. Ang Falcons, team ng mga Salaverio, ang may 105 na puntos.

Huling isang minuto ay nagkainitan ang dalawang team. May hindi sinasadyang nasagi si Zelus sa kabilang kampo at hindi iyon natawag na foul. Dahil doon ay nagalit iyong kabilang team.

"Bakit hindi foul? Ang daya naman!" ani ng may number 10 sa kabila.

Ang nasagi ni Zelus ay ininda ang sakit ng tiyan kung saan ito natamaan.

"Anong madaya?" tanong ng kakampi nina Helios.

Lumapit iyong lalaking nasagi ni Zelus at tinuro nito si Zelus na nakapamaywang.

"Sinagi niya ako at hindi nafoul. Madaya iyon!"

Ang nakatalikod na si Zelus ay biglang humarap doon sa lalaking nasagi niya. He looks annoyed. Matalim na tingin ang ipinukol niya.

"Sinasabi mo bang madaya ako?"

His cousins went to him. May ibinulong sa kaniyang kung anu ano. Pagkatapos noon ay kumalma ng kaunti si Zelus ngunit iritado pa rin.

May lumapit na isang lalaking matangkad sa harap ng magpipinsang Salaverio. Siguro'y ito ang captain.

"Kanina pa kayo nangsasagi! Hindi lang namin pinapansin pero sumusobra na kayo!" aniya.

Napasigaw ang lahat nang biglang kwelyuhan ito ni Thanatos. Nagsilapitan ang mga manlalaro sa kanila. Inawat at inilayo sa isa't isa. Napatayo ako sa kaba dahil baka ay may away na maganap dito!

"Eli! Let's go downstairs!" hinila ako ni Bia pababa ng court.

Nagpatianod ako sa kaniyang hila. Nakipagsiksikan kami sa mga taong nakaharang para makiusyuso sa mga nangyayari. Habang pababa kami ay naririnig ko ang palitan ng mga salita mula sa magkabilang kupunan.

"Anong sabi mo?" boses iyon ni Thanatos.

"Kung gusto niyong manalo ay idaan niyo sa malinis na paraan hindi iyong marurumi kayo kung maglaro!"

Fall For Me (Salaverio Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon