Chapter 31

55 7 5
                                    


Chapter 31

Missed





Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya.  Malamig at galit na tingin ang ipinukol niya sa akin. Nagdaan ang lungkot sa kaniyang mga mata ngunit nangingibabaw ang poot.

I feel something shattered inside me. Nasaktan na nga sa nalaman kanina, mas dumoble pa ngayong nakita ko siya.

"H-Helios!"

Bianca walked to where Helios is. Tumayo siya sa harap nito at itinuro ako.

"That girl is a two-faced bitch! She fooled you by playing with your feelings! She's not real!"

Nag iwas ako ng tingin dahil tama siya. Pero bakit parang ako lang itong masama? Hindi ba ay siya naman itong nag utos sa aking gumawa ng ganito? Hindi ba ay magkasama kami sa pagpaplano nito? Pero bakit parang sa akin lang ang sisi?

"Hoy, Bianca! Ikaw ang peke dito! Hindi mo lang matanggap na hindi ikaw ang gusto ni Helios kaya kay Eli mo sinisisi ang lahat!"

I cannot stand Helios' stares. Hindi ko kayang makitang galit at namumuhi ang mga mata niya.

Tumayo ako. Nakaalalay sa akin si Anda. I can also feel Justine beside me.

"Eli, I'm sorry. Please, talk to me. I will explain everything-"

"Puwede ba, Justine? Layuan mo muna si Eli! Doon ka sa pinsan mong kinulang sa pansin!"

"Stay out of this, Anda! I want to talk alone-"

"Lumayas ka sa harap ni Eli!"

Pagod na akong makipagtalo. Wala na akong lakas pa para awatin sila sa pagtatalo. Lalo na nang makita kong tumalikod at naglakad paalis si Helios. Tila mas dinurog pa ang kaluob looban ko.



Maghapon akong tulala sa loob ng silid. Hindi magawang makinig sa mga itinuturong mga leksyon sa unahan. Okupado ang utak ko ng lahat ng mga nangyari.

Ang itinuring kong mga kaibigan ay isa lamang kasinungalingan. Ang inakala kong tunay kong mga kaibigan sa loob ng mahabang panahon ay isang kasinungalingan. Ang mga panahong kasama ko sila na itinuturing kong yaman ay pawang mga kasinungalingan lang pala.

How can they do this to me? Wala akong ginawang kahit na ano sa kanila. I loved them with all my heart. I protected them with all my cost. I offered and give them pure true friendship. Hindi ako kailanman naging makasarili. I always do whatever they want me to. Hindi bale nang ako ang mahirapan at masaktan, huwag lang sila.

Kaya bakit? Bakit nila nagawa sa akin ito? Paanong nagawa nila ito? I treated them as my best friends!



"Del Venido, ayos ka lang?"

Nag angat ako ng tingin at nakitang nakaharap sa akin si Kevin. Nasa unahang upuan siya nakaupo. Ang alam ko ay nasa likod ito. But oh well... wala na akong panahon pang isipin iyan.

Tumango ako. "Huwag mo akong kausapin, Keanth Vincentre."

Maghapon akong natulog sa library. I skipped class. I skipped lunch. I skipped everything. Wala akong gana sa lahat. Sa pinakadulong bahagi ang napili kong espasyo para mapag-isa. Malayo sa mga taong abala sa mga buhay nila.

Ngunit kahit na pilitin ko mang matulog ay hindi ko magawa. Sa tuwing pumipikit ako ay naaalala ko ulit ang mga sinabi ni Bianca.

"Hindi ko na dapat na iniisip ang mga bagay na iyon. They don't deserve my tears..." bulong ko sa sarili ko.

Pagod na akong umiyak. Pagod na akong pag aksayahan ng mga luha ang bagay na iyon. Hindi nila sila karapat dapat sa mga luha ko.

I tried to sleep again. Ngunit nang ipinikit ko ang mga mata ko, ang mga mata niyang puno ng galit ang nakita ko.

Fall For Me (Salaverio Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon