Chapter 3

95 6 3
                                    



Chapter 3

Plan


I immediately pushed him as I realized who he is. Hindi man lamang siya natinag mula sa pagkakatulak ko bagkus ay pinagtaasan niya lamang ako ng kaniyang kilay.

"Why are you here?" tanong niya sa isang malalim na ingles.

My mind suddenly went blank. Nangapa ako ng sasabihin. Naalala kong wala nga pala akong baong dala na kahit na anong linya para rito.

I cleared my throat. I acted cooly and brave. Taas noo ko siyang tiningnan.

"Hindi ikaw ang sadya ko!" sagot ko sa kaniya.

Nanatiling nakataas ang kaniyang kanang kilay. He's like he's judging me so hard like I am like those clowns. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Sino ang sadya mo, kung ganoon?"

Napakurap kurap ako. I opened my mouth to say something but I can't think of anyone.

"Si ano..." damn it! "Si Aeolus!"

Anong nangyari sa sinabi mo kaninang makita mo lang si Helios ay babanatan mo siya, Eli? Anong nangyari sa inalagaan mong inis kagabi? Bakit parang biglang umurong iyon? Bakit parang wala ka ng masabi ngayon? Heto na oh, kaharap mo na ang kinaiinisan mo.

A smile crept on his lips. "Anong sadya mo sa kaniya?"

Tiningnan niya ako ng may ngiti sa labi. The amusement on his face is very evident. He even crossed his arms. Ang buong atensyon niya ay ipinukol sa akin.

I shifted on my weight. "Basta! Wala ka na roon!"

Sunod sunod siyang tumango. "Hmm? Really?"

Ang kaninang ngiti ay naging ngisi na ngayon. Humakbang siya palapit sa akin kaya naman ay napaatras ako. Magsasalita na sana ako nang bigla niyang tinawag si Aeolus.

"Bakit, dude? Busy ako huwag mo akong guluhin!" sigaw ni Aeolus sa likod.

Nilingon ko iyon at nakitang abala siya sa pagmomop ng sahig. Pati na rin ang ibang pinsan niya ay ganoon rin ang ginagawa. Napansin kong lahat ng mga players ay may kani-kaniyang ginagawa. Kung hindi nagmomop ay nag aayos at nagpupunas ng mga bola. Ang iba'y nag aayos ng mga monobloc chair.

"Busy raw siya," he chuckled.

Napabaling ako sa kaniyang gawi at agad napaatras nang matantong sobrang lapit niya sa akin.

"Ano ba? Huwag ka ngang lumapit!" I shoo-ed him just so he can stay away from me.

He just stared at me. Binaliwala ang pagtataboy sa kaniya.

"Ano nga ang kailangan mo sa pinsan ko?"

Naglakad siya palapit sa isang monobloc chair na nasa malapit. Umupo siya roon habang marahang pinupunasan ang basang buhok gamit ang tuwalyang nasa kaniyang balikat kanina.

Lumiit ang upuang monobloc chair nang inupuan niya iyon dahil sa laki at tangkad niya. His legs were spread wider while his left arm is resting on his left leg. I noticed that he got hairy legs. I raised my brow. Hindi naman iyon makapal kagaya ng sa iba ngunit hindi naman iyon sobrang nipis. Katamtaman lang.

Natigil ako sa paninitig nang maingay siyang tumikhim. Napaangat ako ng tingin sa kaniya at napansing may naglalarong ngisi sa kaniyang labi.

Oh shit! Don't tell me he just saw me staring at him? The heck! Feeling pa naman ang isang 'to. Baka mamaya ay isipin niyang I'm checking him out!

I crossed my arms as I hide the slight embarrassment I felt. I cleared my throat. "Anong nginingisi ngisi mo riyan? Ha?"

Lumapit ako sa kaniya para ipakitang hindi ako naiintimidate kahit kaunti man lang sa kaniya. Bakit ako maiintimidate? Hindi naman siya intimidating.

Fall For Me (Salaverio Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon