Chapter 27

57 7 0
                                    


Chapter 27

Cute



Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ni Bianca ay hindi na muli siyang tumawag. Aminado akong sa pag-uusap na iyon ay matindi akong binagabag ng aking konsensya.


I should tell her everything what is happening. I should tell her that he's getting serious with his feelings for me. I should be honest with her.

But why can't I?


"I missed you!"

Isang araw ay nagulat ako nang makitang nakatayo ang aking kaibigang matagal tagal ring nawala habang nakalahad ang magkabilang kamay para sa isang yakap.

Tumawa ako at niyakap siya. Tumawa rin siya nang mapansin ang higpit sa pagkakayakap ko.

"Hindi halatang namiss mo ako, ha?" Halakhak niya.

Tiningala ko siya at sinimangutan.

"Namiss kaya kita! Wala akong kausap sa room natin. Puro na nga lang si Chess ang kadaldalan ko roon tapos hindi naman palaimik. Eh 'di parang wala rin!"

Kumalas siya mula sa yakap. Ginulo niya ang aking buhok bago yumuko. May kinuha siya sa loob ng kaniyang backpack.

"Pasalubong ko sa'yo. Alam kong mahilig ka riyan."

Inabot niya sa akin ang isang malaking paper bag. Chineck ko ang alam at nakitang mga dried mangoes!

"Hala! Paborito ko nga ito!"

Isa isa ko iyong nilabas at binilang. Five packs of dried mangoes. Mayroon ring mga tsokolate, chichirya, at mga souvenirs.

"Ang dami naman nito, Just? Parang pinakyaw mo na lahat ng puwede mong mabili roon?" tawa ko sa kaniya.

Ibinaba ko ang paper bag na bigay niya.

"Mayroon pa nga akong ibibigay na tee shirt sa'yo kaso mamaya na. Naroon sa soccer room, nasa locker ko. Nakalimutan kong dalhin."

Sabay kaming pumasok ni Justine sa klase. Marami siyang kuwento tungkol sa pagbisita nila ng Visayas. Sa Iloilo sila nagkaroon ng laro. Nagkaroon sila ng tatlong panalo at isang talo.

"Ang dami ko ngang naging fangirls doon. May mga gusto pang sumama rito sa Albay," pagmamayabang niya nang nasa silid na kami.

Sinuntok ko siya sa kaniyang braso. "Ang yabang!"

Panay ang bati sa kaniya ng mga kaklase namin dahil sa pagkapanalo nila. Ang grupo nina Kevin ay nagpapicture pa sa kaniya dahil ani nila ay baka hindi na nila iyon magawa kapag dumating ang panahon na sumikat si Justine.

At ang Justine naman ay ramdam na ramdam ang biglang kasikatan niya.

"Buti pa si Justine ay exempted na sa lahat ng exam ngayong prefinals!" daing ni Ferdinand sa dulo.

Tumawa naman si Justine. "Maging sporty kasi kayo. Sabi ko na kasing sumali sa soccer at akong bahala, ayaw niyo naman!"

Naiiling na lang ako sa kayabangan ni Justine. Totoo nga at exempted siya. Nakakainggit nga dahil hindi na niya kailangan pang magsunog ng kilay para sa paparating na examinations.

"Alam mo, Justine? Ang kapal naman talaga ng mukha mong hindi ako bigyan ng pasalubong!" litanya ni Anda nang makasama namin siya sa aming library period. "Pagkatapos kitang ilakad sa pinsan ko noong nakaraang taon!"

"Huh? Sino ka nga ulit?" Maang maangan na tanong ni Justine.

Nasapak siya sa ulo ni Anda. "Aba? May amnesia ka lang? Gusto mong ipaalala ko sa'yo lahat ng nangyari sa inyo ni Shanreya?"

Fall For Me (Salaverio Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon