Chapter 19

58 7 1
                                    

Chapter 19

Lips


Naging abala kami nang sumapit ang Martes at Miyerkules. Same routine lang ang ginawa namin. Nagbenta ng mga pagkain at inumin. We only sell finger foods and drinks. Hindi na kami nagbenta ng lunch dahil sobrang hassle kung pati iyon ay lulutuin pa.

So far, so good naman ang benta namin. Naging maayos ang kabuuan ng dalawang araw na nakalipas. Pakiramdam ko pa nga eh ay nagiging kaibigan na namin ni Anda si Amphitrite dahil panay ang sama nito sa amin kung saan man kami magpunta.

"Sama ako sa inyo. Saan ba kayo ngayon?"

Biglang sumulpot ang nakadress na si Amphitrite galing sa kung saan. Her eyes were hopeful.

Today, we are not going to sell. Hanggang sa Friday dahil hindi na kailangan pa iyon. Bagama't maaari pa rin namang magbenta pero ay nasa grupo na ang desisyong iyon. We agreed to not to. Dahil na rin sa pagod at marami naman kaming kinita sa tatlong araw kaya ayos na iyon.

Nginitian ko si Amphitrite dahil ang ganda niya sa ayos niya ngayon. Nakatirintas ang kaniyang brown na buhok at natural na nagiging kulay rosas ang kaniyang pisngi.

"Manonood kami ng basketball. Ikaw rin ba?" sagot ko sa kaniya.

I saw her roaming her eyes around. Narito kami ngayon sa cr sa ground floor ng junior high building. Sinamahan ko si Anda na umihi.

"Yeah. Kaso ay wala naman akong kasama. My cousins were all playing except for Apollo and Cronus. Ate Calliope's with her suitor or whatever. Hecate's with her friends. And I am the loner," she stated sadly.

Ang kaniyang cute na mga labi ay inginuso nito and I swear, she's the cutest girl I've ever seen in my entire life. Hindi na nakapagtataka dahil minsan ko na siyang naging crush no'ng nasa grade eight kami.

"Sama ka na lang sa'min, kung ganoon."

Lumabas si Anda at hindi na siya nagulat nang mapansin si Amphitrite.

Amphitrite rejoiced. "Really? Thank you, Eli! You too, Anda!"

"What? Bakit ka nagtethank you?" Anda asked.

"Kasi pumayag kayong sumama ako."

"Ah... Okay..."

Papansinin ko sana ang pagiging mataray yata ni Anda ngunit mas pinili kong huwag na lang. Nagtungo kami sa mga bleacher, hindi kalayuan sa mga varsity players ng aming school. Agad kaming naupo. Ako ang nasa gitna ng dalawa.

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Maraming tao ang narito at halu halo ang mga mukha. May ibang pamilyar, may ibang mga hindi. Siguro ay galing silang ibang eskwelahan. Nagpapapasok kasi ngayon ng mga outsiders dahil foundation week naman.

Ang maglalaro ngayon ay ang Falcons at Lions. Galing sa Bicol College Senior High ang makakalaban ng Falcons. Rinig kong magagaling daw ang mga iyon. At sino pa ba ang nagsabi? Siyempre, si Anda.

"Oo, magaling silang maglaro and maraming ace players ang team nila. Matatangkad pa! Kaya paniguradong magiging intense ang laban mamaya!"

That's what she said when I asked her about the opposing team.

"Eli, doon na lang tayo sa baba. Sa likod ng mga players. Mag abot tayo ng tubig," biglang sambit ni Amphitrite sa akin.

Nilingon ko si Anda na abala sa pagsipat ng mga guwapo sa paligid bago binalingan ulit si Amphi.

"Sige," payag ko. "Anda, tara sa baba. Doon tayo."

Nagreklamo pa si Anda sa biglaan naming pagbaba dahil hindi niya natanong iyong natagpuan niyang guwapo sa tabi.

Fall For Me (Salaverio Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon