Chapter 24

53 6 1
                                    


Chapter 24

Casa



Pagkatapos ng tatlong araw ay naging maayos na ang pakiramdam ko. Excited akong pumasok dahil namiss ko ang eskwelahan. Imagine that? Sa loob ng halos mahigit sampung taon ko sa eskwelahan ay ngayon ko lang namiss na pumasok!

Kaya naman ay maaga akong umalis ng bahay. Alas sais pa lang ay nasa eskwelahan na ako. May mangilan ngilan pa lang na mga estudyante ang mga naroon.

Dumiretso muna ako sa gymnasium para bumista. Friday ngayon at alam kong naroon siya.

Malayo pa lang ay tanaw ko na ang matangkad na magpipinsang Salaverio. Agad akong namataan ni Aeolus at agad itong kumaripas ng takbo patungo sa akin.

"Eli! You're here! I missed you! Nagkasakit ka raw?"

He checked my forehead. Agad itong natampal ng katabi niya.

"Ang feeling close mo talagang ulupong ka. 'Pag nakita ka no'ng pinsan mo, mayayari ka," si Hypnos pagkatapos niyang matampal si Aeolus.

"Kung makatampal ka naman, dude. Bakit? Close naman kami ni Eli, a? 'Di ba, Eli?"

He looked at me with those puppy eyes. Natatawa akong tumango.

"Oh, kita mo 'yon, Hyp? Close kami!" pagmamayabang ni Aeolus habang nakapamaywang.

Lumapit din si Thanatos at Zelus sa akin. Ngumiti sila.

"Musta, Eli? Nagkasakit ka raw?" si Zelus.

Tumango ako. "Oo, naulanan kasi."

"Mabuti naman at magaling ka na ngayon?" si Thanatos.

Nahihiya ulit akong tumango. "Kagagaling ko lang kahapon kaya heto ngayon lang nakapasok."

"Inalagaan ba naman ni loverboy, e," halakhak ni Zelus at nag high five pa sila ni Thanatos.

Napakamot ako sa aking ulo.

"'Yong pinsan mong 'yon, Aeo, baliw na talaga. Nabaliw na," si Hypnos na inakbayan si Aeolus na natatawa.

"Dati pa namang baliw 'yon. Simula pa lang mga bata-"

Hindi na natapos ni Aeolus ang sasabihin niya nang binusalan siya ng towel ni Hypnos sa kaniyang bibig.

"Itong alaga namin, Eli, masyadong madaldal, noh? Pasensya ka na rito," halakhak ni Hypnos.

Sinapak siya ni Aeolus saka itinapon 'yong towel na nasa bibig niya.

"Ang bastos mo, dude! May pawis mo 'yon!"

At naghabulan silang dalawa sa gitna ng court.

Iginala ko ang aking mga mata sa buong gym para hanapin siya ngunit hindi ko siya makita. Nasaan kaya siya? Wala pa ba siya? Nasa bahay pa rin ba nila? O may binili lang kaya wala rito?

"Wala siya rito, Eli. Baka mamaya pa darating," si Thanatos na ang sumagot sa katanungan ko.

Tapos na kami sa dalawang subject ay hindi pa rin nagrereply si Helios sa mga texts ko. Kanina ko pa siya naitext kung nandito na ba siya sa school o wala pa pero wala pa ring reply hanggang ngayon. Hindi rin siya nagtext sa akin kaninang umaga.

Lagi naman 'yong nagtetext ng good morning sa akin. Kanina lang hindi. Bakit kaya? May nangyari ba? O nakalimutan lang niyang magtext?

Patago kong kinuha ang aking cellphone at itinago sa ilalim ng armchair ko. Nagtipa ako ng text para kay Helios.

Ako:

Hey... you're not replying to my texts. Please reply...

Nang maisend ay agad ko ring tinago sa bulsa ko't nakinig na lamang sa tinuturo ng guro sa harapan kahit na wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.

Fall For Me (Salaverio Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon