Chapter 7

81 8 1
                                    


Chapter 7


Guilt



Walang nagsasalita sa aming dalawa. Tahimik akong naglalakad pati na rin siya. Panay ang lingon ko sa kaniya kada sampung segundo. Siya naman ay nakatingin lang ng diretso sa kalsada habang nakapamulsa.

I felt awkward. Hindi ko kayang maging ganito katahimik at kaawkward. Gusto kong magsalita ngunit wala akong maisip na sabihin.

Tumigil ako sa paglalakad. Napatigil rin siya. He looked at me curiously.

"Why?" tanong niya, nakataas ang kilay.

I crossed my arms. Nag iisip ng puwedeng sabihin.

"Bakit ka nandito?"

Naweweirduhan siyang tumingin sa akin. Bahagya siyang natigilan at napaisip sa tanong ko.

"Am I not allowed?"

Siyempre! Tinatanong pa ba iyan?

"I mean..." tumikhim ako.

Naghintay siya sa idurugtong ko ngunit wala na akong maisip na idugtong. Nang mapansin niya iyon ay nagsalita siya.

"You mean what?"

"I can go home myself. You know, I can just walk-"

"Alone? I doubt it. Nakita kita kaninang takot na takot habang naglalakad," he said it seriously.

Seryoso niya iyong sinabi ngunit bakit parang nararamdaman kong pinipigilan niya ang pagtawa?

At ano? Nakita niya akong takot na takot? Sinong takot? Saan natatakot? Walang takot dito!

I felt my cheeks burned. "Hindi ako takot!"

Naglakad ako nang padabog habang nakahalukipkip. Nilagpasan ko siya. He probably saw me earlier looking like some crazy shit trying to be brave and cool while walking!

I heard him chuckled. Nilingon ko siya. I got pissed when I saw him chuckling. I showed him my middle finger.

He stopped chuckling when he realized what I just did.

"Hey, that's bad," aniya sabay seryoso ng mukha.

Ang alin? Ang mag middle finger? Bakit? Sinong may sabi?

Inirapan ko siya, bahagyang natawa sa kaniya.

"Coming from a guy who middle fingers a lot."

He jogged to my side. Sinabayan ako sa paglalakad.

"Yes kaya huwag mong gayahin 'yon."

Binalingan ko siya ng tamad na tingin.

"Ginagawa ko na 'yon noon pa."

"You should stop it then. Hindi iyon maganda-"

"Hindi rin naman ako maganda kaya wala akong pakialam," putol ko sa sinasabi niya.

Ano naman ngayon kung nagddirty finger ako? Normal naman 'yon. Parang napakabigdeal naman kung umasta siya? Ano naman sa kaniya? Eh marami namang gumagawa no'n these days.

Hindi siya nagsalita kaya tumingin ako sa gawi niya. He's slowly nodding. May iniisip.

"I don't want girls doing it," aniya, umiiling. It's almost a whisper. "Basta. Masama 'yon."

Umiling rin ako.

"Alam mo, ang old school mo masyado. There's nothing wrong with middle finger-"

"And who says you're not beautiful? You are."

My heart skipped a beat. Parang nabingi ako sa sinabi niya. Hindi ko agad naproseso kung ano iyon. Parang nagkamali ako sa pagkakarinig dahil imposibleng sabihin niya iyon.

Fall For Me (Salaverio Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon