Chapter 9Dream
Nilahad niya ang papel sa akin at kaagad ko iyong kinuha. Tinapunan ko muna siya ng masamang tingin bago chineck ang papel ko.
Napabuntong hininga ako nang makitang gano'n pa rin 'yon, kagaya ng kung anong nakasulat nang mawala ko 'yon. Mabuti naman at hindi niya pinakialaman at dinumihan.
Tumikhim siya. "Mali ang mga sinulat mo riyan."
I gave one annoyed look. "Ano naman ngayon?"
So what kung mali ang mga sinulat ko rito? Ano naman ngayon? Ano naman sa kanya? Hindi naman siya ang makakakuha ng mababang grade. Ako naman.
Nagkunwari akong binabasa ang mga sinulat ko.
"You should do it again," aniya. "And if you want, I can help you with that. I kinda know Greek Mythology."
Ayaw ko nga! Bakit ako magpapaturo sa kanya eh kaya ko naman? Kahit na ioffer pa niyang siya ang gumawa nito ay hindi ako papayag. Mas pipiliin ko pang ipasa itong sinasabi niyang mali kaysa ang humingi ng tulong sa kanya.
Hindi ko siya pinansin. I tried to read my paper again. The more I read it over and over again, the more it sounds so wrong. Parang wala namang ganitong nabanggit o naturopath sa amin si Mr. Batumbakal.
Persephone peeling potatoes? Really? At fire nation? Saan ko napulot ang mga 'yon?
Nakita kong pumulot ng ballpen at papel si Helios sa gilid ng mga mata ko. I tried to peek from what he is doing. I saw him writing something on his paper.
I noticed how clean his handwriting is. All caps ang bawat letra at pantay ang mga laki at linya no'n. I got amazed for a moment. How can a guy like him have a nice and neat handwriting? But what do I expect? Sabi nga ng karamihan ay perpekto ang taong ito.
I pouted. Napatingin ako sa sulat ko. Magulo iyon at makalat. Hindi rin pantay. Minsan ay paakyat ang mga parirala, minsan naman ay pababa. Nakakasulat naman ako ng pantay, iyon nga lang ay sa tuwing may mga guhit na nagsisilbing gabay.
"Ano nga ulit ang strand mo?" I asked out of nowhere.
He stopped writing. Dahan dahang tumingin sa gawi ko. He blinked before answering.
"Hindi mo alam?" tanong niya, bahagyang nagulat.
Halos mapaikot ang mga mata ko. Ano ba naman ito? Magtatanong ba ako kung alam ko?
"Kung alam ko ay sana hindi ko na tinanong."
He smiled a bit while biting his lowerlip.
"STEM," kaswal niyang ani.
Napatango ako. Ah. Iyong mga mahilig sa technologies and mathematics? Ang alam ko ay mahirap do'n ah? Mga matatalino pa ang naroon.
"Pano'ng hindi mo alam ang strand ko? Most of the students here were aware of it."
I looked at him. Well, Helios, hindi ako kasali sa most na iyon.
"Hindi ko alam e."
Pinagtaasan niya ako ng kilay. "How come?"
"Eh sa hindi ko alam eh!"
Ang kulit naman nito. Hindi ko nga alam tapos paulit ulit naman siya.
He slowly nodded. "Bakit hindi mo alam? You like me, right?"
At bakit? Porke't ba gusto mo ang isang tao ay dapat na alam mo ang lahat ng tungkol dito?
Ang mga mata niya'y naniningkit na nakatingin sa akin. His brows furrowed. Ngayon ay parang pinapahiwatig niya na hindi ako puwedeng humindi sa tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/285970193-288-k394392.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall For Me (Salaverio Series #1)
RomanceAgreeing with her bestfriend, Elianna made Helios fall for her. She wasn't expecting it to be easy and even to be successful. But Helios, being so head over heels with Elianna for quite long time now, it became easier for him to get closer to her. ...