Chapter 22

53 7 0
                                    


Chapter 22

I Won't Promise


Halos isang oras yata akong nagbabad sa paliligo. Hindi dahil sa hinilod ko ang lahat ng mga libag ko o dahil sa nagsabon ako ng paulit ulit, kung hindi ay kabado akong lumabas at magpakita sa mga taong nasa sala.

Ano ang ipapaliwanag ko sa pamilya ko? Kay Mama? Na paniguradong may konklusyon na sa utak niya kung bakit naririto si Helios. Higit sa lahat, kapag dumating sina Papa at Kuya Kuey at nadatnan nilang naroroon pa siya.

I cannot imagine the horror. Them meeting inside our house, Helios with a large bouquet of flowers and fruits... I just cannot! Kuya will probably throw his ass out of our house. He never likes the idea of someone's hitting on me!

Naalala ko pa noong grade eight ako. May nagkagusto sa aking taga kabilang kanto. He's very consistent on helping me sell fishes everytime I helped Kuya and Papa. Palagi siyang nakaabang sa akin.

Kuya then saw and noticed him. Naramdaman niyang kakaiba ang pakikitungo ng lalaki sa akin. He confronted the guy and asked him countless of questions. He didn't stop until the guy finally admitted that he wants me more than as friends.

Kuya got mad. Muntik na niyang mabalian ng braso 'yong lalaki. Pinagbantaan ring huwag na huwag nang lalapit sa akin kahit na kailan. The guy got scared and ran his ass off. And I never saw that guy anymore after that.

Kuya's a bully to me but he's overprotective, when it comes to me and Andi. Kahit na madalas kaming mag-away ay hinding-hindi niya hinahayaang maligawan ako ng kahit na sino. Makaamoy pa lang siya ng kakaibang pakikitungo sa akin ay nakahanda na siyang makipagsuntukan at makipag giyera.

Sometimes I find him overreacting but I understand him.

Kaya naman ngayong narito si Helios at balak pa yatang magpaalam sa pamilya ko ng panliligaw niya, hindi ko na lubusang maisip kung ano ang kahihinatnan niya kapag nakita siya ni Kuya.

This is the reason why I didn't let him to go here. When Helios confessed to me, in that field, he asked me if he can formally ask my parent's consent. Siyempre ay nagulantang ako nang marinig iyon sa kaniya. I didn't expect him to be that serious. Na handa siyang pumunta ng bahay para pormal na magpaalam.

I stopped him and said that there's a right time for that. He insisted that that was the perfect time but I said it's not. Ilang pagtatalo pa ang nagawa namin hanggang sa napabuntong hininga na lamang siya at pumayag.

"Fine... If that is what you want, then," suko niya. "I'll just wait until you let me."

Naniwala ako sa kaniyang maghihintay siya. Akala ko ay hihintayin niya ang go signal ko. Pero, isang linggo pa lang ang nakalilipas ay hindi na siya nakapag-antay pa!

Nakatunog siguro siya na wala naman akong balak na papuntahin siya ng bahay. Gosh. This is a headache. Pakiramdam ko ay maaga yata akong tatanda sa konsumisyong ganito!


Suot ang bestidang puti na abot hanggang tuhod, pinagmasdan kong mabuti ang sarili ko sa salaming narito sa loob ng banyo. Medyo tuyo na ang buhok ko mula sa pagligo dahil kanina pa ako tapos. Hinayaan kong mahulog iyon sa likod ko.

I looked so pale. Sobrang puti ko at parang hindi na ako nakakakuha ng nutrisyon mula sa araw. Nakuha ko ang kutis kong ito kay Mama. Ang mukha ko'y walang kulay. Tanging labi lang ang mamula mula. Ang pisngi ay namumutla at para akong nakakita ng multo dahil sa putla ko.

Nakakita naman talaga ako. Hindi nga lang ng multo, kung hindi ng nilalang na guwapo.

I inhaled a long breath and drew it out harshly. I inhaled every air I could before finally deciding to step out from the bathroom. Abot tahip ang tibok ng puso ko habang humahakbang ako.

Fall For Me (Salaverio Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon