Chapter 4 "A smile full of memories"
Mizuki's POV
"ahhh.. ano.."
napatingi siya sakin.. "ano? :)"
"Yung kamay ko.. " -///-
Napatingin siya sa kamay naming dalawa. "s-sorry." tapos nakita kong medyo namula siya. Cute.
Nagulat nalang ako sa naisip ko. Erase erase!
Hindi nagtagal, dumating na kami sa bahay niya, as expected, malaki siya, sa totoo lang kamuka nito yung bahay ko. Pagpasok namin, may nakita akong mga picture frames. Lalapitan at titingnan ko sana yung mga yun pero nagulat ako kasi bigla siyang humarang na parang sinasabi niya hindi pwedeng tingnan. "Dun yung studio." sabi niya
so ayun pumunta nalang ako sa studio na sinabi niya. Ano bang meron sa mga frames na yun? bakit ayaw niya ipakita?
kanina ko pa siya iniintay. ang tagal niya. Asan na ba yun?
"Sorry natagalan" sabi niya ng nakangiti.
Pagkadating niya, lumapit siya sakin. "may gusto ka ba? Nagugutom? nauuhaw? anything?"
tsk. Kung nagsisimula na kami edi maaga pa akong makakauwi. Kung bakit naman kasi dinamay niya pa ako sa kalokohan niya.
bumalik yung pagka badmood ko gawa nung pag sali niya sakin sa special number na yan ng hindi nang hihingi ng permission. Tapos idagdag mo pa yung nangyati kanina. Wala pang akong isang buwan dito, kung ano ano ng masasamang nangyayari sakin.
"nagugutom ka ba? o nauuhaw?"
"Mizuki?"
"Ano?" masungit kong sabi.
"tinatanong ko kung anong gusto mo kasi ipapaready ko na yung nilu--"
"Hindi ako kakain dito, sa bahay nalang. Bilisan nalang natin yung pagpapractice." sabi ko. Kaylangan ko na talagang gumawa ng paraan para umiwas sakanya. Kasi kung wala akong gagawin baka may mangyari pa na mas malalala
Nakita ko sa muka niya ang pagdismaya pero naisip ko na mas maganda yun.
so ayun di na niya ako pinilit. At napansin kong nagiba na yung mood niya. Di na niya ako kinakausap.
Tahimik kaming nag prapractice. Naka buo na kasi kami ng steps. So kaylangan nalang ng practice. Kanina pa nga kami nandito, hindi pa kami nag papahinga. pagod na pagod na ako.
BINABASA MO ANG
You Left Me Alone (Completed) [Editing]
Novela JuvenilSi Mizuki Valle at Kazuya Takano ay matalik na magkaibigan. Kung mamahalin nila ang isa't isa, kakayanin kaya nila ang bagsik ng tadha? Makakasigurado ba sila sa isa't isa? Maraming hadlang ang maaring dumating pero kaya ba nilang lumaban?