Ate Gelly's Note:
Grabe!! Pagod na pagod ako! Ang hirap ng practice namin kanina tapos sinabayan pa ng init! halos mawalan na ako ng energy @_@ Tapos nagbike pa! HAHAHAHA! :)))) Sorry kung pinaghinntay ko kayo ha? :)) Chapter 49 na pala! Mahaba na! hahaha. ^__^v Pati available na ang mga pictures nila Jiro,Misa,Kaoru,Toma, and Ryu! Sa page ko.. :))
ps: sorry kung ngayon ko lang natapos.. 11: 16 na. Sorry talaga.. Ah basta! Sana magustuhan niyo.. :))) bukas nalang yung picture ha? :))))
Chapter 49 "Teary smile"
Mizuki's POV
Pagkatapos namin mag usap, naglakad na kami ni kazu pabalik kung nasaan ang mga kaibigan namin.. Habang naglalakad kami, magkahawak ang kamay namin. Pero ako nakatungo lang. Pinipigilan ko nanaman kasi ang luha ko na malapit ng bumagsak..
Tapos bigla nalang tumigil si kazu sa paglalakad at hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko.. Tapos pumunta siya sa harapan ko at niyakap ako..
"diba sabi ko sayo kanina.. Don't cry? Ang gusto ko bago ako umalis, nakangiti ka. Babalik din ako kaagad kayo don't worry okay?" Hindi ako nagsalita.. nakatungo parin ako. Bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sakin at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
nang makarating na kami kung nasan sila.. hindi parin nagbabago ang ekspresyon ng muka ko.. Malungkot parin ako.. nang makalapit na kami sa kanila.. Napatingin naman sila samin..
"oh, san kayo galing dalawa?" tanong ni Toma..
hindi ako nagsasalita o kumikibo... hindi ko tinitingala ang ulo ko.
"diyan lang." sagot ni kazu
sunod naman nagsalita si misa.. "Anong nangyari sa inyo? atsaka mizuki? Okay ka lang ba?"
Okay? Sa totoo lang hindi ako okay. Ang tagal ng tatlong buwan. Kanina, sinabi ko kay kazu na ayos lang sakin dahil gusto ko siyang intindihin at syempre dahil mahal ko siya.. Pero sa kalooblooban ko, ayaw ko talaga siyang paalisin.
Naaninag ko naman na tumayo sila kaoru sa pwesto nila at lumapit samin..
"kazuya! anong ginawa mo ay mizuki ha?!" sigaw ni kaoru..
Wag, wag mo nang sagutin yan.. Ayoko nag marinig na aalis ka.. Ayoko na.
magsasalita na sana si kazu pero agad na akong nagsalita..
"kasi aa--" -kazu
"tama na yan, bukas nalang. Pasok na tayo. Inaantok na ako..." malungkot kong sabi.. tama bukas nalang. Baka sakaling paggising ko matanggap ko na.. Naglakad na ako palayo pagkasabi ko nun. Hindi ko na tiningnan pa ang mga muka nila..
Nang makapasok na ako sa rest house.. May naririnig akong tumatakbo papalapit sakin. pero hindi ko yun pinansin. Masyado ako malungkot ngayon.. Nang makarating na ako sa may hagdanan, at papaakyat na naramdaman kong may humawak sa braso ko..
"sa kwarto ko nalang ikaw matulog." sabi niya habang hawak parin niya ang balikat ko.. Hindi ko siya nililingunan. Gusto kong mapag isa ngayon. Para mapilit ko ang sarili ko na mas intindihin ang siwasyon ngayon.
Wag niyong isipin na nagoover react ako. Dahil kapag kayo ang nalagay sa sitwasyon ko, agad agad niyo bang matatanggap yun? Na mapahiwalay sa kanya ng tatlong buwan? Na nasanay ka na na araw araw mo siyang kasama? Diba mahirap? Kaya sana maintindihan niyo ako..
naramdaman ko naman na tumulo na ang luha ko kaya wala na talaga akong balak na lingunin siya. Ayokong makita niya akong umiiyak. Bukas, pipilitin ko itago ang malungkot kong muka sa likod ng isang nagpapanggap na masayang muka..
BINABASA MO ANG
You Left Me Alone (Completed) [Editing]
Fiksi RemajaSi Mizuki Valle at Kazuya Takano ay matalik na magkaibigan. Kung mamahalin nila ang isa't isa, kakayanin kaya nila ang bagsik ng tadha? Makakasigurado ba sila sa isa't isa? Maraming hadlang ang maaring dumating pero kaya ba nilang lumaban?