Chapter 76 "Is this the start?"

591 8 5
                                    

Angel's note:

Guys! Naka phone ulit ako kaya sorry sa mga typos ah! Pati sorry ngayon lang ako nakapag update! I was too busy this fast few days! Kakatapos nga lang ng hell week ko eh. ahahaha! Well, I miss updating. Naisip ko nga, dapat update ako ng update dito sa YLMA kasi matatapos na eh. hahaha. ^_^V Missyou! <3

Chapter 76 "Is this the start?"

"anong ginagawa mo dito?" matigas na tanong ni Ryu sa lalaking nasa harapan niya. Pero ang lalaki ay tahimik at nakatingin lang sakanila.

"ano?!" sigaw ni ryu. Naiinis siya dahil sa ginawa nitong pananakit sa isa sa mga importanteng tao sakanya at idagdag mo pa na hindi ito umiimik.

Hahablutin na sana ni ryu ang kwelyo ni kazu ng pigilan siya ni Jiro. Lahat sila naiinis at nagagalit sa taong kaharap nila ngayon.

At dahil sa inis at galit na iyon, hindi nagawang pigilan ni misa ang kanyang sarili at sinampal si kazu. Rinig na rinig ang pagsampal niya dito. Pero miski isa ay walang pumigil o nagreact sa mga ikinilos ni misa dahil iniisip nila na tama lang iyon sakanya.

"ang kapal naman ng muka mo para pumunta dito!" umiiyak na sabi ni misa.

"hindi mo alam ang ginawa mo takano.. Napakawalanghiya mo.. Pano mo yun nagawa sakanya.." hindi na niya makontrol ang nararamdaman niya kaya't muntik na itong mapaupo sa sahig. Buti nalang ay nasalo siya ni jiro.

Kahit nakita na nito na ang matatalim na tingin sakanya ng mga kaibigan niya ay hindi pa rin siya nagsasalita. Hindi niya kasi alam ang sasabihin niya.

Samantalang pababa palang ng hagdanan si toma dahil kakatapos niya palang magbihis at kagagaling niya lang sa kwarto ni mizuki. Nagmamadali siyang bumaba dahil wala sa kanyang silid si mizuki.

"bakit wala si miz--" hindi na nito napagpatuloy ang sasabihin niya ng makita niya si kazuya. Kumulo agad ang dugo nito at marahas na naglalakad na palapit sa binata. Nilagpasan niya lang ang iba pa niyang mga kaibigan. Walang pumigil sakanya.

"Gago ka!! Bakit mo sakanya ginawa iyon?!" sabay suntok ni toma na tumama sa kanang pisngi ni kazu. Unang beses ito na nasuntok ni toma si kazu.

At dahil sa lakas ng suntok nito, napaupo si kazu sa sahig. Pinunasan niya ang dugong nagingilid sa kanyang labi at tsaka tumayo. "hihingi ako ng sorry sakanya. Gusto ko siyang makausap." sabi nito na may halong pag aalala.

"sa tingin mo makakausap mo pa siya?!" sigaw ni toma na halatang nagpipigil pa ng kanyang nararamdaman.

"wala kang mapapala samin kazuya kaya umalis ka na." mahinahong sabi ni jiro.

"kahit makita ko manlang siya.." sabi pa ni kazuya. Miss na miss na niya ang babaeng sinaktan niya..

"makikita mo naman siya. Wag ka lang aasa na mapapalapit siya sayo dahil hindi kami papayag! Hindi namin alam ang dahilan mo takano pero dahilan na ba yun para saktan mo si mizuki ng ganun?!" sigaw ni misa sakanya.

Tumaas ang temparatura ni kazu atsaka sumigaw "Oo! Dahilan yon! Kaya pwede ba, pabayaan niyo na akong makapasok! Gusto ko siyang makita!" sigaw pa ni kazu. Desperadong desperado na siya na makita si mizuki. Nag aalala talaga siya sa kadahilanang kilalang kilala na niya si mizuki at alam niya kung gaano kahuna ang pagkatao nito pagdating sa mga ganitong bagay.

Pero kahit alam na alam na niya iyon. Pinili at sinaktan niya parin si mizuki. Ganun na ba kabigat ang dahilan? Para saktan niya ang babaeng pinaka importante sakanya?

"sana naman pakinggan niy--" hindi naituloy ni kazu ang kanyang sasabihin dahil kinapitan ni toma ang kanyang kwelyo at tsaka nagsalita. "pakinggan?! Satingin mo may makikinig sayo?! Ha?! Lahat kami dito galit sayo! Kaya pwede ba umalis ka na!" marahas na tinanggal ni kazu ang kamay ni toma sa kanyang kwelyo.

You Left Me Alone  (Completed) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon