Chapter 7 " I'm his Bestfriend!"

1.8K 28 6
                                    

Chapter 7 "I'm he's bestfriend!"

Mizuki's POV

"Oh bakit mo ako sinundo?" nagulat ako kasi bigla ko siyang nakita sa tapat ng bahay ko.

"Wala lang.. SIguro namiss agad kita?" Nang init yung pisngi ko sa sinabi niya.

Inasar niya lang ako ng inasar hanggang sa makarating kami sa school. Pagkababa ko sa kotse niya, agad agad na nagbulungan ang mga studyante sa paligid. "bakit sila magkasabay?"

"What?! Hinatid siya ni kazuya!?"

"Ang kire talaga niyang babaeng yan!"

 Napapatungo nalang ako sa mag naririnig ko. Pinaka ayaw ko kasi ang ganito. 

Pero hinigit lang ako ni kazu papunta sa room namin at nag ayos na rin ng gamit para sa klase. "mizu wag nalang natin silang pakinggan ang mga sinasabi nila" Narinig niya rin kasi ang mga bulungan ng mga tao

"pero.. " ayoko kasi ng ganun..

"basta wag mo nalng silang pansin" mahinahong sabi niya.

Pero kasi parang mali naman ata na pag usapan ako, wala naman silang alam tungkol sakin.. :(

***

Mabilis natapos ang klase sa araw na iyon. At buong araw ay umiiwas kami ni Kazu sa mga pwedeng mangring gulo.  Sabay kasi kami lagi, kung san siya pupunta, kasama ako. Kung san ako pupunta, kasama ko naman siya,. Buong araw kaming mag kasama. At hindi nalang pinapansin ang mga tao sa paligid na kung ano anong sinasabi.

"Tara Mizu! Movie marathon tayo sa bahay!" sabi niya nung nakalabas na kami ng gate. 

Nginitian ko siya "Wag horror ha?" natawa siya sa sinabi ko.

Pagkadating namin sa bahay niya, diretso kami sa movie room at nagpakuha nalang ng makakain. Nung mga unang scene sa movie, okay pa e, walang nakakatakot. Pero nung patagal na ng patagal, nakakatakot na. Yung scene, yung babae, timatakbo kasi may humahabol sakanya tapos biglang "Ahhhhh!!!" napasigaw ako sa gulat. Hindi ko alam na napayakap ako ng mahigpit kay kazu kaya minabuti kong bumitaw pero hindi ako nakabitaw dahil may nakakatakot nanamang scene kaya ang tendency mas napayakap pa ako ng mas mahigpit sakanya.

 "Hahaha! Mizu, hindi na ako makahinga. xD"

"ah. pa-pasensya na. takot kasi ako. pwede bang payakap muna?" hindi ko alam kung pano ko nasabi yun. Kahit ako nagulat sa sinabi ko. p-pag nalaman niyang may nararamdaman ako sakanya baka..

"S-sige." 

ayun na nga ganun ang pwesto namin hanggang sa matapos ang movie. nahihiya nga ako e!

"sorry ha? wag ka magagalit sakin mizu kasi horror yung pinanood natin." sabi niya.

"Okay lang." yun ang nasabi ko kahit sobrang aatakihin na ako sa puso dahil sa pinanood namin.

Pagkatapos namin manood ay nagdinner na kami, pakatapos nun ay nag offer siyang ihatid ako." ah. gusto mo hatid kita?

"ah wag na :))" tanggi ko.

"bakit?"

"anong bakit?"

"bakit ayaw mong ihatid kita..?"

" eh baka naiistorbo na kita"

"Hala. Hindi ah! Lika na." tapos kinuha niya yung kamay ko..

"hatid na kita." sabay ngiti niya sakin.

"si-sige na nga!" Bakit ba ako nauutal? 

Pagdating namin sa harap ng bahay, pinigilan niya ako.  "sandali lang.." 

"oh ano yon?" 

"good night kiss ko?" nagulat ako sa sinabi niya. at medyo nagpanic "Ano bang sinasabi mo! Ikaw.. lagi mo nalang akong pinattripan!"

 "HAHAHA! Joke lang! Sige bye na. Good night" sabi niya.

" good night :)"

Pagpasok ko sa bahay ko, nagtaka ako kasi lahat sila ay nakangiti saakin. "Bakit?" nagtaka naman ako kasi yung isa nag aktong kinikilig. "Grabe, sino po yun? Ang gwapo!" ang kikire talaga ng mga to. hahaha 

Yung isa naman "Boyfriend niyo po." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Medyo natawa ako sa sinabi niya. "Hindi, bestfriend ko yun." tapos nag 'ahhhh' naman silang lahat.

You Left Me Alone  (Completed) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon