Ate Gelly's Note:
Sorry guys kung late ang update ko. Naging maala snow white ako eh. Kumain lang ng apple, sumama na ang pakiramdam ko. hehehehe.. Musta naman daw ang last chapter? haba no? hahaha. ^__^v wawa si fafa troy niyo. kinawawa ko. Pansin niyo, laging may nasasaktan dahil kay mizuki. Pero sa totoo lang, hindi naman kasalanan ni mizu yun eh, kasalanan ko! HAHAHAHA! Malamang ako author eh! Sakin nakasalalay ang future ng mga yan! HAHAHA! Ano ba tung pinagsasasabi ko? parang baliw lang ako. hahaha. pasensiya na may tama ako eh.
eh to na ang update ko!
Chapter 64 "Decisions.."
Mizu's POV
[play niyo yung nasa side---------------------------------->katulad ng sinasabi, pakireplay nalang kapag hindi ko pa sinasabi na stop. ^__^v]
"Bakit ba ganito kaoru? I don't understand anymore. Hindi ko na maintindihan ang takbo ng buhay ko. Lagi nalang bang paulit ulit? Paulit ulit na may nasasaktan dahil sakin?" naglalabas ako ng mga nararamdaman ko ngayon sa kwarto ko.. habang si kaoru nakaupo sa kama ko hinihimas ang likod ko.
Hindi ko na maitatago pa yung mga nararamdaman ko ngayon. Dati, oo natiis ko pa. pero ngayon, pakiramdam ko, sasabog na ako. Hindi ko na kaya.. bakit ba kasi ganito ang buhay ko.. masaya nga ako, pero marami namang nasasaktan dahil sakin, dahil masaya ako.
Hindi ba ako pwedeng maging masaya na walang masasaktan? Nung una, nasaktan ko ng sobra si shin. Kinimkim ko yun. Yung guilt. Yung sakit na nararamdaman ko kasi nasaktan ko ang isa sa mga tao na importante sakin.
Tapos nung si bryan.. hindi man ako sigurado sa nararamdaman niya noon, alam ko masakit parin kasi.. mali ang mga sinabi ko sakanya.. pati narin yung mga lalaking sinaktan ko noon. Oo noon. Nung mga oras na hindi pa kami nagkikita ulit ni kazu..
Marami akong nasaktan noon.. Dahil lagi kong katwiran, may mahal akong iba at hindi sila yun. Dahil mahal ko si kazu. At hindi ko siya kayang ipagpalit. Yan lagi ang iniisip ko noon.. at hindi iniintindi ang mga nararamdaman ng iba.. marami sila..
pero dahil lang sa isang dahilan ko na yun, marami na akong nasaktan.. Hindi man sila nasaktan ng sobra, masakit parin. Nakaranas sila ng sakit dahil sakin. Nung mga oras na nasaktan ko si shin, doon talaga ako nakaramdam ng guilt kasi, he's my friend. at napatunayan naman niya na tototo ang nararamdaman niya para sakin..
pero anong ginawa ko?? sinaktan ko din siya dahil sa isang dahilan. Dahil mahal ko si kazu. yan naman lagi ang dahilan ko eh. mahal ko siya. Lagi namang yoon. Hindi nagbago. Pero lahat ng pagkikimkim ko at pagtatago ng nararamdaman ko, hindi ko na napigilan pa.. hindi ko na kinaya nung nakita ko si Troy. All my life, hindi pa ako nakakakita ng ganun.. Hindi ko pa naranasan yoon dati..
BINABASA MO ANG
You Left Me Alone (Completed) [Editing]
Ficção AdolescenteSi Mizuki Valle at Kazuya Takano ay matalik na magkaibigan. Kung mamahalin nila ang isa't isa, kakayanin kaya nila ang bagsik ng tadha? Makakasigurado ba sila sa isa't isa? Maraming hadlang ang maaring dumating pero kaya ba nilang lumaban?