Chapter 51 "Epic"

786 11 1
                                    

Ate gelly''s note: 

   Sorry hindi nakapagupdate agad! Nagswimming kasi kami, tapos kinabukasan nun may kanta kami sa seminar nung umaga ng kung sino! tapos sa hapon naman yung practice. Tss. kapagod nga eh! Tapos ang epic pa! NAWALAN NG INTERNET! tsss. Napapansin ko lang ha? Andaming may gusto kay shin. HAHAHA! Isa na dun si bestie at si BIG sister ko! Grabe lang! HAHA. POV nga pala ngayon ni Bryan. Pakinggan naman natin ang kanyang nararamdaman no! Maawa kayo! HAHAHA! :))))

Osiya.. enjoy reading..

Chapter 51 "Epic"

Bryan's POV

Ano ba kasi nangyayari sakin?! Bakit ko ba pinaggpipilitan ang sarili ko sakanya? Eh malinaw na malinaw naman na I got rejected! Shete lang! First time na nga ako nagkaron ng interest sa isang babae tapos ganun pa?! Ano ba kasi nangyayari sakin?!

Kahit kasi ako hindi ko alam. Bakit parang may konting pagbabago sakin? Ang pagkakakilala ko sa sarili ko, ako yung lalaking hindi mahilig sa mga romantic stuffs. Mahilig ako sa mga sports. Marami rin akong interest pero never akong nagka interest sa isang babae ng makatotohanan!

Nung mga oras na yun. Bigla nalang kasi may naramdaman akong kakaiba. Hindi ko nga maintindihan eh! Nung nakulong kami sa bodega, nung nakita ko yung mga mata niya ng diretsong diretsdo, para bang may kakaiba. Sa totoo lang. I was about to kiss her that time kung hindi lang dumating yung boyfriend niya. Nung nakita ko nga siyang hinigit nung boyfriend niya, patayo na ako para hatakin ulit ang babaing yun.

Pero napaisip ako bigla ng mga oras na yun. Bakit ko siya susundan? Yun yung naisip ko. Ang weird kasi eh. Usually kasi wala naman akong pakielam sa mga bagay bagay. Lalo na sa mga babae. Pero kasi siya,kakaiba. Hindi ko alam kung anong nangyari sakin. Ni hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko eh!

Simula nung araw na nakulong kami. I feel weird. Para bang lahat ng act ko. Biglang nagkatotoo. Para I’m starting to like that girl. First time ko talaga magkaroon ng interest sa babae. At ang nakakainis lang talaga! First na nga rejected pa! Bwisit naman kasi eh! Bakit ba hindi ako ang unang nakakilala sa kanya!?

Ang totoo kasi I’ve never seen her. Nung una nga nagdadalawang isip pa ako sa magiging desisyon ko eh! Pero wala rin akong nagawa at pumayag ako. Para kay mom. She was sick. Even the doctors, they don’t know the cure. Pero isang araw. May bigla nalang tumawag sakin. At sinabing alam niya ang cure sa sakit ng mama ko. Hindi ako naniwala nung una. Pero pinadalhan niya ako proofs. At sinabi niya na bibigyan niya ako ng gamot na yun in one condition. Katulad nga ng sinabi ko nagdalawang isip ako. Ang unang dahilan, kasi hindi ko naman kilala yung babae. Pangalawa, anong karapatan kong sirain ang buhay niya eh muka naman siyang mabait. Pero at that time malala na ang sakit ni mom kaya wala na akong nagawa kung hindi pumayag.

At nung time na nakipagkita sakin yung babae sa personal, bigla namang sumulpot si Stella. Tss. That annoying girl.  At sinabi niya na alam niya ang lahat. -__- Kainis ang babaing yun! Parang wala na akong privacy sa mga pinaggagagawa niya eh! At yun. Napasama pa siya sa gulong pinasok ko. It was all an act. Until the day na nakulong kami.

Nung mga oras na yun, nung oras na nakita ko ang mata niya, naghesitate ulit ako at sinabi ko kay Stella na I quit. Pero pinasok niya sa usapan ang nanay ko kaya ipinagpatuloy ko ang act na yun. Kahit ayoko na. nitong mga nakaraang araw, lahat ng ipinapakita ko kay mizuki halos totoo lahat. I like her. At dumating na ang time na tuluyan ng gumaling si mom. At wala na rin kaming contact ni Stella kay aya. Yes. Aya is her name.

 Nung nagkita kami curious na curious ako kung anong dahilan niya kung bakit gusto niyang guluhin ang buhay ni mizuki. Sinabi niya samin lahat. Sa totoo lang hindi  ako contented sa reason niya. Pero wala naman akong magagawa.

You Left Me Alone  (Completed) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon