Angel Lee Kim's Note:
sorry for the inactiveness~ huhuhuhu. I miss you guys. Super busy lang talaga and alam ko naman na alam niyo yun. :)))
Chapter 74 "Be mine."
Bryan's POV
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kagabi. Kaya ang naisip ko nalang ay ang patulugin siya. Buti nalang at binigyan ako ng doktor niya ng isa sa mga pampatulog. Gamitin ko daw kapag emergency. And it was a emergency last night.
It's like hell last night. Seeing her like that makes me feel I'm useless. Kaya nga hindi ko na natiis at nilapitan ko na sila. Wala naman talaga akong balak na suntukin at patulugin si Mizuki pero it came to me. Yung inis, galit, pag alala at pagseselos. Lahat yun naghalo halo.
Kung nakita niyo lang talaga si Mizuki kagabi. Nakakaawa siyang tingnan kagabi.
At hindi ko inasahan na mangyayari yun. Napaka unexpected na si kazuya pa mismo ang nakipaghiwalay kay Mizuki. Hindi kapani paniwala ang mga nangyari.
akala ko ba lalaban siya?
Hindi na ba niya kinaya na mag handle ng dalawang babae kaya mas pinili niya na pakawalan si mizuki? Bakit hindi nalang yung Alisa na yun!? Dahil ba may sakit siya ganun ba!?
Inisip manlang ba niya kung anong mararamdaman ni mizuki? Hindi siguro. Dahil kung inisip niya hindi niya gagawin yun. Tsk. kahit ako hindi ko mahulaan ang iniisip ni Kazuya. Isa nga talaga siyang Takano. Mana siya sa tatay niyang walang kwenta.
lumapit ako kung saan kasalukuyang nakahiga si Mizuki.
Tiningnan ko siya ay hinaplos ang kanyang muka..
"Iniwan ka na niya.. Pwede bang sakin ka nalang? Ako nalang? Hindi hindi kita iiwan mizuki. Hinding hindi ko gagawin sayo yung mga ginawa niya.." sigurado ako pag gising niya, iiyak siya. Sino ba naman ang hindi iiyak kung iniwan ka ng taong mahal mo.
Alam ko masakit. Sobrang sakit.
Maghapon na siyang natutulog kasi mahaba ang epekto nung pampatulog na itinurok ko sakanya. Sana nga matulog na lang siya at nasa tabi niya ako. Kasi natatakot ako kapag nagising na siya baka hindi niya makayanan yung nararamdaman niya.
Umupo ako sa tabi niya at nilaro laro ang buhok niya. 4 pm narin. At wala pa akong tulog.
Kaya dahil sa sobrang kaantukan, nakatulog ako.
*****
pagkamulat ko ng mata ko.. nagutla ako kasi wala na si mizuki sa kama niya. Inikot ikot ko ang paningin ko pero hindi ko siya nakita. Saan na siya nagpunta!?
Humingi ako ng tulong sa mga guard na hanapin siya sa hospital pero wala. Wala siya dun. kaya hinanap ko siya. Kanina pa ako paikot ikot gamit ang kotse ko pero hindi ko talaga siya makita.
BINABASA MO ANG
You Left Me Alone (Completed) [Editing]
Novela JuvenilSi Mizuki Valle at Kazuya Takano ay matalik na magkaibigan. Kung mamahalin nila ang isa't isa, kakayanin kaya nila ang bagsik ng tadha? Makakasigurado ba sila sa isa't isa? Maraming hadlang ang maaring dumating pero kaya ba nilang lumaban?