Ate Gelly's note: [BASAHIN ANG AUTHOR'S NOTE! MAHALAGA! HAHAHA! ^__^v]
Hello! hihihi! pagpasensiyahan niyo na yung update ko ngayon ha? Sana magustuhan niyo.. ^___^ Ah oo nga pala, pwedeng makihingi ng favor? kung pwede lang naman.. Sino magaling mag edit ng pictures? pwede bang ipag edit niyo ako? please..... please.... hehehehe. Imessage niyo nalang ako kung payag kayo. :))) please... ^___^ hahahah. kung pwede lang naman. :))
ps. pictures nila kazu, mizu,shin and aya. Kung gusto niyo by pair niyo sila iedt, o kaya naman solo, or tatluhan. o kaya silang lahat. Basta kayo na bahala. ^____^
Chapter 35 "All of a sudden.."
Mizuki's POV
=_=
sakit ng ulo ko, namamaga pa mata ko.. Kakaiyak ko to kagabi eh.. Pagkatapos kasi nung pangyayari sa school, umalis na kami ni shin.. Nagtataka nga sila kaoru kung anong nangyari. Pero sinabi nalang ni shin na wag na mag alala. At ayun nga hinatid ako ni shin pauwi sa bahay at umalis na siya.. Siguro naman alam niya yung nararamdaman ko.. Kaylangan kong mapag isa. Kagabi? halos humagulgul ako, kasi masakit talaga. Masakit umasa. Siguro bestfriend ko lang talaga siya. Kaya sisikapin kong kalimutan siya pero pananatilihin ko yung pagkakaibigan namin..
kahit mahirap, gagawin ko..
"mistress, nanjan po si master shin, gusto mo po niyang pumasok sa kwarto niyo.. sinabi ko na nga pong ano---"
"sige papasukin mo.."
alam nilang lahat sa bahay na malungkot ako ngayon kaya naintindihan naman nila ako kagabi na walang magpapasok sa kwarto ko. Kasi baka mamaya biglang dumating si kazu..
tapos narinig kong nagbukas na ang pinto ng kwarto ko, at pumasok si shin.. Umupo siya sa tabi ko.. Walang nagsasalita samin, dahil ako, nakaupo lang sa kama ko at nakatungo..
"mizuki, mag ayos ka na. May pasok pa tayo." tumigil siya sandali.. "gusto mo ba magpalit muna tayo ng seats?"
"Ha? wag na. Ayoko kasing may magbago. Baka kasi kung anong isipin niya eh.."
"tsss. Iniintindi mo parin ang lalaking yun?! Siya nga ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan ee!"
"Shin naman, sinabi ko na sayo, wala siyang kasalanan kung bakit ako nasasaktan! Kasalanan ko to! so please.. stop.."
may binulong si shin sa sarili niya pero sa sobrang hina, hindi ko narinig..
"kala mo lang wala.."
hindi ko nalang inintindi yung sinabi niya kasi hindi ko naman narinig..
tumayo na ako sa pagkakaupo ko at nagpunta sa banyo.. at bago ako makapasok sa banyo.."shin intayin mo nalang ako sa living room.." at tuluyan ko ng isinara yung pinto..
pagkatapos kong magayos, bumaba na agad ako.. at tiningnan ko yung relo ko. 8 am palang.. maaga pa. at pagkababa ko sa may living room inaya ko si shin na kumain muna..
"teka.. bakit nga pala SOBRANG aga mo naman ngayon?"
"hindi ba obvious? para ipagluto ka.. pati diba sabi mo babawi ka ngayon, kasi hindi ka pumunta ng bahay,.."
habang kumakain ako nagflashback bigla yung mga nangyari bago magvalentine's day.. Ang saya saya namin nun.. Sana kasi hindi ko nalang siya minahal eh,. dapat itong lalaking nasaharapan ko nalang ngayon..
napatigil ako sa mga sinasabi ko ng magsalita si shin..
"haaay.. umiiyak ka nanaman? bakit ba napakaiyakin mo? tsk, Ayoko kasi nang nakikita kang umiiyak eh. Gusto mo lumabas nalang tayo mamaya pagkatapos ng klase?"

BINABASA MO ANG
You Left Me Alone (Completed) [Editing]
Teen FictionSi Mizuki Valle at Kazuya Takano ay matalik na magkaibigan. Kung mamahalin nila ang isa't isa, kakayanin kaya nila ang bagsik ng tadha? Makakasigurado ba sila sa isa't isa? Maraming hadlang ang maaring dumating pero kaya ba nilang lumaban?