Ate Gelly's Note: [BASAHIN! IMPORTANTE!]
Guys! Paalala.. Yung mga places na binabanggit ko it's from my imagination lamang kasi hindi naman ako familiar in other countries kaya hindi ko kayang magsabi ng exact location or tungkol sa ibang bansa kasi hindi naman ako foreigner no! Proud Pilipino ako! WAHAHAHAHA! ^__^V
Chapter 67 "We feel.."
Mizuki's POV
*blink blink*
*blink blink*
Habang dahandahan kong minumulat ang mata ko, nakakaramdam ako ng kaunting hilo. Teka.. Ano bang nangyari sakin?
Nang tuluyan ko na silang maibukas, nakita ko si Bryan na nakaupo sa tabi ng kama at natutulog. Inikot ikot ko ang paningin ko. At na pag tanto kong nasa ospital pala ako. Pero bakit ako naandito?
Huling kong natatandaan.. na out of balance lang ako sa school at natumba dahil nakaramdam ako ng hilo at pagbigat ng katawan.
"hmmm.. mizuki.." napatingin naman ako kay Bryan ng banggitin niya ang pangalan ko. Ang akala ko gising na siya. Pero hindi pala. Nananaginip ata.
Ako ang panaginip niya?
Siguro masyado siyang nag alala sakin. Ano ba yan. Sakit talaga ako sa ulo sa mga kaigan ko. Wala na ba akong magandang maidudulot.
Medyo lumapit ako kay Bryan. Muka talagang binantayan niya ako. Hindi ko alam pero napapangiti ako.. Pinatong ko ng dahan dahan ang isa kong kamay sa ibabaw ng ulo niya at hinaplos ko ito sabay sabing.. "Salamat.."
Dapat lang akong magpasalamat sakanya. Dahil siya talaga ang nag alaga sakin nitong mga nakaraang linggo.
habang hinahaplos ko pa rin ang malambot na buhok ni Bryan.. ay biglang..
*creeeak..*
"Oh gising ka na pala iha." sabi nung nurse na kakapasok lang sa kwarto ko. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sakin.
"Ah opo. Maayos nanaman po." tapos nginitian ko siya.
"Ah oo nga pala iha.. Boyfriend mo ba yang natutulog na lalaki sa tabi mo?"
Umiling iling muna ako at tsaka ko sinabi na "Hindi po"
Nagtaka naman ang itsura ng muka nung nurse. "Hindi mo boyfriend. Manliligaw?"
Ano ba yan. pati ba naman yan inaalam? "Ah hindi din po." sabay tingin ko kay bryan.
Napatingin naman ako dun sa nurse ng magsalita ulit siya.. "Eh anong relasyon niyo?" =_=
"Magkaibigan lang po kami." Buti nalang medyo masama pa pakiramdam ko kung hindi hinila ko na si ate palabas. Daming tanong eh. Interview lang?
"Magkaibigan lang kayo iha? Talaga? Pero.. para kasing.. Hinde." ?_? "Kasi iha gabi gabi chinecheck kita at nakikita ko na binabantayan ka niyang maigi. Ilang araw na siyang walang tulog. Sa palagay ko, ngayon lang ata nakatulog yan." pagkasabi nun ni ate.. napatingin ako kay Bryan.
Pati ano? Ilang araw?
"Ilang araw na po ba akong naandito?"
"siguro mahigit tatlong araw na." O_O
Ang tagal! Mahigit tatlong araw?? Bakit pakiramdam ko kanina lang yun?
"Ah oo nga pala, mamaya maya dadating na yung mga araw araw mong mga bisita." Araw araw na mga bisita? "Ayy grabe! ang gwagwapo ng mga bisita mo! Kung ako yun, gagaling ako agad. Hahaha!" =_= Kire naman nito ni ate nurse. Walang magawa? tss.
BINABASA MO ANG
You Left Me Alone (Completed) [Editing]
Teen FictionSi Mizuki Valle at Kazuya Takano ay matalik na magkaibigan. Kung mamahalin nila ang isa't isa, kakayanin kaya nila ang bagsik ng tadha? Makakasigurado ba sila sa isa't isa? Maraming hadlang ang maaring dumating pero kaya ba nilang lumaban?