Angel Lee Kim's Note:
Hello guys! Sorry for the pabitin portion. I need to manage my time. xD Gumaganon eh no? hahaha. Well totoo naman. Ay jusko sobrang busy ngayon aba! Kahit nung birthday ko busy pa rin sa school pero masaya naman xD Sorry guys pero medyo mamadaliin natin ang mga scenes. MEDYO lang naman. ^O^V And oo nga pala, I dedicate this chapter to my one and only sisteret. Sisteret! Imissyou!
Chapter 73 "Love & Trust"
Mizuki's POV
How can I handle this kind of feelings? It feels like i'm going to burst anytime. Nanadya ba talaga ang mga tao? Bakit ba sila nagsesend ng ganitong pictures sakin? ang sakit lang kasing makita.
Tinapon ko sa sahig ang mga pictures. Dati sa cellphone lang nila sakin sinesend. Tapos ngayon, actual pictures na? Ano bang pinapalabas at pinaplano nila?
Iniisip ba nila na I'm this weak? Na hihiwalayan at magagalit ako kay kazu because of those silly pictures na naka lean forward, nakaholding hands, nakayakap kay Alisa!? I'm not that stupid to be fooled by those bastard who's sending those silly pictures.
Pinaniniwalaan at pinagkakatiwalaan ko pa rin siya. Hindi niya ako kayang lokohin. Alam ko, para akong tanga pero naniniwala ako sa mga salita niya.
teka... bakit ba ang tagal nilang dumating? Kasi ganitong oras naman sila pumupunta dito sa kwarto ko. eh. I know. Pantanga thingy. Kahit masakit gusto ko silang pumunta dito kasi gusto ko siyang makita.
Alam niyo, masakit aminin pero parang nagkalabuan kami pagkatapos ng last date namin. Yung huling pagbisita niya sakin dito sa ospital.. (a/n: oh baka nakalimutan niyo na, yun yung time na bibili sila ng street foods ni bryan ng dumating si kazu. Nasa last chap lang yun, hanapin niyo) yun yung time na huli niya akong kinausap. Pero sa kabila naman nun hindi ako nawalan ng pag asa. Ayoko kasi magalit nalang ng basta basta sakanya. malay niyo may reason kung bakit ganun diba? Mas mabuti na yung ganito ako mag isip kesa sa pinagdududahan ko siya. I know, he loves me. Pero hindi ko lang talaga ramdam ngayon.. *smiles weakly*
Nagulat nalang ako nag biglang magkalabog ang pinto ko. Kaya napatingin ako. "Mizuki! mizuki! Labas tayo.. nabobored ako dito sa hospital.. please.." nakapout na sabi sakin ni alisa.
Hindi pa ako nakakasagot pero hinila na niya ako. WAIT. We are going out looking like this?! O_O!!
NAKAPAJAMA LANG KAMI! At higit sa lahat, wala akong shades o kahit ano pa man! Waaa. Bryan help me. Asan ka na ba kasi?!
Sabi niya sandali lang siya eh!
Habang natakbo kami papalayo sa ospital, napapansin na kami ng mga tao at and worse naglabas sila ng camera! waaa.
"I hate hospitals. It so boring!" Narinig kong sabi niya habang natakbo kami at higit higit niya ako.
Wait. Sumasakit na ang ulo ko. Meron pa akong lagnat. Nahihilo ako.
"Pero.. ngayon, it's like we're in an action movie running away from your wild fans." nakangiti niyang sabi.
What's going on!? Nabobored lang ba talaga siya o trip niya lang to?! Tumingin ako sa likod and nakta kong hinahabol kami ng mga tao. AH! Papano na 'to!? Anong gagawin ko!?
nararamdaman ko na parang umiikot ang ulo ko. Tumingin ako kay alisa. Natakbo parin siya habang hila hila ako. Feeling ko, masusuka na ako ng wala sa oras. "Alisa, let's go back. I feel like i'm going to puke. I'm dizzy." Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko at patuloy pa rin sa pag takbo, seriously, anong plano niya? mag 1000 meter run kami?!
Hinihigit ko yung kamay ko kasi ayoko ng tumakbo. naiwan narin namin ang mga fans dahil sa sobrang bilis namin. kaya ang problema ko nalang ay ang pagkahilo ko. Hindi ba sumasama ang pakiramdam niya? May sakit din siya ah.
BINABASA MO ANG
You Left Me Alone (Completed) [Editing]
Teen FictionSi Mizuki Valle at Kazuya Takano ay matalik na magkaibigan. Kung mamahalin nila ang isa't isa, kakayanin kaya nila ang bagsik ng tadha? Makakasigurado ba sila sa isa't isa? Maraming hadlang ang maaring dumating pero kaya ba nilang lumaban?