Chapter One

6 0 0
                                    

"Margie anak hindi naba talaga magbabago ang isip mo? Kung tutuusin pwede naman dito kana lang magtrabaho

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Margie anak hindi naba talaga magbabago ang isip mo? Kung tutuusin pwede naman dito kana lang magtrabaho." ani ng kanyang ina na nalulungkot ganun din ang kanyang ama katabi ng kanyang ina habang sila ay nakaupo sa kanilang lumang kawayang upuan sa kanilang maliit na sala, katatapos lang nilang maghapunan. Ang dalawang kapatid naman niyang lalake ay nagliligpit ng kanilang pinagkainan.

"Ma hindi naman po ito ang unang kung trabaho sa malayo, kaya wag na kayong mag-alala sakin kaya ko po sarili ko." aniya

"Mag-iingat ka nalang dun kung hindi mo na kaya umuwi ka agad dito ha, pwede ka naman magtrabaho diyan sa bayan" ani ang kanyang Papa.

"Pa mas maganda po sa manila mas madaming aportyunidad mas malaki ang pasahod mas madami din akung mapapasukan pag natapos ko yun sinasabi ni Trina na trabaho, ipadadala ko po yun sweldo ko para makatulong naman ako dito sa bahay" litanya niya.

Sanay siyang magtrabaho, lahat nga ng trabaho pinasok na niya nun nasa college pa siya hindi alam ng pamilya niya ang mga nangyaring sa buhay niya hanggang ngayon wala padin alam ang mga ito, isenekreto niya yun dahil dun muntik na siyang napahamak, isang bangungot ng kanyang nakaraan, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang balintataw ang masamang karanasan sa buhay niya. Ang kanyang nakaraan na muntik ng naglagay sa kanya sa hukay, isang kasuklam-suklam na pangyayari para sa kanya na pinagdusahan niya ng halos isang taon. Kung kinakailangan bumalik siya uli sa dating trabaho para sa pamilya ay gagawin niya at para mahanap kung sino ang may utang sa kanya upang pagbayarin ito.

"Ate mag-iingat ka dun ha, ingatan mo sarili mo" ani Drew at umakbay pa sa kanya na siyang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Kanina pang umaga siya nakapag impake ng kanyang mga gamit na dadalhin sa kanyang pagpunta sa Manila sinigurado niyang dala na niyang lahat ng mga importanteng dukomentong kailangan niya. Ayun sa kaibigan may bakanting trabaho sa opisinang pinagtratrabahuhan nito, yun nga lang tatlong buwan lang daw yun pero dipende daw kung mag-extend pa ng maternity leave yun dating secretary, ang sabi ng kaibigan niya maghahanap nalang sila uli ng ibang trabaho para sa kanya pagnatapos na ang tatlong buwang trabaho niya. "Lord patnubayan niyo ako please" usal nila.

Alas tres palang ng madaling araw gising na si Margie excited na siya sa trabahong sinasabi ng kanyang kaibigan.

"Ate pagdating mo dun tawag ka agad ha, kahit text lang para alam naman namin kung maayus kang nakarating sa patutunguhan mo" sabi ng kanyang kapatid na si Drew, second year collge na ito, ito ang sumunod sa kanya limang taon ang tanda niya dito at si Alejandro ang kanilang bunsong kapatid nasa high school palang ito. Niyakap pa siya ng kanyang inang lumuluha bago siya sumakay sa tricycle na inupahan pa niya para ihatid siya sa paradahan ng mga jeep papunta sa terminal ng mga bus.

"Kamusta kana Margie hindi kaba nahirapan sa biyahe mo, malayo din ang satin lugar?" bati sa kanyan ng mama ng kanyang kaibigan pagdating nila sa bahay ng mga ito. sinundo kasi siya ng kanyang kaibigan mula sa terminal.

You're My Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon