Chapter Thirty Two

3 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I saw him Mom, we saw him

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I saw him Mom, we saw him. I did it. We dance together, he's my first dance." bulaslas ni Nevaeh pagkakita sakin dito sa lobby ng hotel. Bakas sa mukha niya ang hindi matatawarang saya ganuon din si Leighton. Ito ang pangarap nila ang makita ang kanilang ama.

      "You two are happy now?" tanong niya kahit kita naman sa mukha ng mga nito.

      "Yeah Mom. Thanks po. Pinagbigyan n'yo kami." ani Leighton na may matamis din ngiti sa labi.

"Ok.. paki hatid na sila at paki sabi patulugin na din sila." bilin niya sa mga bantay ng mga ito.

      "Hey! hey, you two what are doing here? hindi naman pambata ang party ah." ani Aldrich pagkakita kila Leighton at Nevaeh.

      "Sumama po kami kila lolo pauwi nadin po kami." sagot naman ni Nevaeh.

      "Pauwi na din sila. Let's go kanina pa nila tayo hinihintay. Late na tayong masyado" aya na niya kay Aldrich para hindi na ito magtanong.

      "Sorry may tinapos lang ako sa opisina kailangan na kasi yun bukas." paliwanag naman ni Aldrich kaya kumapit na siya sa braso nito. Naglakad na sila sa red carpet papasok loob ng bulwagan.

       Sumalubong sa kanila ang karanyaan mula kisame hanggang kapaligiran ang bawat bisita'y kimikinang sa magarbong mga mamahaling gown na gawa ng mga sikat na fashion designer ganuon din sa mga alahas na suot ng mga ito. Marami ng tao sa loob, marami din bumabati kay Aldrich na hindi rin niya maiwasan hindi maki pagbeso sa mga bumabati sa kanila lalo kung mga babae. Kilala si Aldrich na isang Del Mondrio at ayaw pa niyang ipaalam na isa rin siyang Del Mondrio na kapatid niya ito. Kaya ang sinasabi nalang ni Aldrich very special siya.

      Nang makapasok na sila hindi niya inaasahan ang makikita niya alam niyang andito ito pero hindi niya akalaing ito agad ang mabubungaran niya kaya napakapit siya ng mahigpit lalo kay Aldrich na busy sa pakikipag-usap sa isang lalaki. Para siyang naestatwa hindi siya makagalaw sa kinatatayuan sa loob ng maraming tao ngayon lang niya uli ito nakita. Mas nag mature na ito kumpara sa dati mas lumaki pa ang katawan nito may katabi itong babae. Nakatingi lang din ito sa kanya na mukhang nagulat ng makita siya.

You're My Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon