Chapter Twelve

3 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tulad ng nakagawian na niya pagdating ng boss niya, sumunod na siyang pumasok sa opisina nito upang bigyan ng kape at ibigay ang mga schedule nito ngayon araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tulad ng nakagawian na niya pagdating ng boss niya, sumunod na siyang pumasok sa opisina nito upang bigyan ng kape at ibigay ang mga schedule nito ngayon araw.

      Nalulungkot siya dahil ilan araw nalang itatagal niya dito hindi man naging maganda ang naging relasyon niya ng boss niya bilang kalihim nito mami-miss pa din niya ito maging ang mga naging kaibigan niyang kawani dito.

      Ano kayang nakain ng boss niya kaniya pa niya nakikita itong nakangiti mula pa pagpasok. He's smiling like an idiot, ibang klase din pala ito, may pagka-bipolar. "sino kaya ka-date nito kagabi, nakailan kaya ito, nasatisfied siguro." bulong niya sa sarili. Imposible naman na-hit nito ang jackpot prize sa lottery.

      Naiiling nalang siya sa naiisip.
Alam niyang may meeting ang boss niya kasama ang ilan head department pero hindi naman sinabing kasama siya isa pa may usapan sila ng kaibigan si Trina na sabay silang magla-lunch nito. Malamang abutin din ng lunch time ang meeting nito kaya malaya siya makakagalaw ngayon ng walang nagmamasid sa kanya.

      Sanay na sanay na siya kung anung dapat gawin kaya kahit hindi na siya utusan ng boss niya siya na ang nagkukusa. Sa kabila nun malungkot parin siya dahil sa nalalapit na araw mawawala na sa kanya ang lahat. Lahat ng nakasanayan na niyang gawin minahal na niya ang trabaho niya sa maikling sandali ng pananatili niya dito, pinasadahan pa niya ng tingin ang boong paligid, mahigit tatlong buwan na siyang nakakulong sa mga gawain niya dito. Kaakibat nito ay ang mga problemang papasanin niya. Walang trabaho, wala na din matitirhan. Next month daw darating na ang tiyahin niya, ipapa-renovate na daw ang bahay ng mga ito ibig sabihin kailangan na nilang lisanin ang nagsilbing tahanan nila ng ilan tao, kaya naman nawawalan siya ng ganang kumain. Kagabi ng matanggap niya tawag ng Mama niya halos hindi na niya malunok ang pagkain niya, kanina nagkape lang siya.

      Ayaw niyang maging mahina gagawin niya ang lahat maiahon lang niya sa hirap ang mahal niyang pamilya, kailangan maging determinado, matapang at natatag siya ngayon, susuungin niya ang lahat ng pagsubok na darating sa buhay niya alang-alang sa pamilya.

      Ring tone ng cellphone niya ang nagpabalik sa diwa niyang naglalakbay, nang tingnan niya yun unknown number kaya, binaliwala nalang niya. Pumasok nalang siya sa opisina ng boss niya para ilagay nasa table nito ang mga folder pero nanglaki ang kanyang mga mata ng makita ang isang news paper duon.

You're My Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon