Chapter Ten

4 1 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kanina pa ako pabiling-biling sa higaan ko hindi talaga ako makatulog dahil hindi ako makapaniwala sa inakto ng boss ko ilang beses din akong sinubuan, pinaghimay din ako ng seafood, nakita ko din kung gaano siya kagwapo pagnaka-ngiti, may dimple ...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kanina pa ako pabiling-biling sa higaan ko hindi talaga ako makatulog dahil hindi ako makapaniwala sa inakto ng boss ko ilang beses din akong sinubuan, pinaghimay din ako ng seafood, nakita ko din kung gaano siya kagwapo pagnaka-ngiti, may dimple pala siya sa kaliwang pisngi, for the first time na hindi siya nagsungit sakin.

      Napapikit ako ng madiin "wag ko lang makikita nang malapitan ang mga asul niyang mata, hindi ko kayang titigan yun, isang masamang bangungot na pilit ko ng iwinawaglit sa aking isipan, alam ko namang hindi lang iisa ang may ari ng ganun kulay ng mata, madami sila" pagkukumbinsi ko sa sarili ko. Kailangan ko ng makatulog, usapan namin six ng umaga ako susunduin sa office ng boss kbuti nalang nakumbinsi ko kagabi na wag na akong ihatid.

      Napapangiti ako habang umiinum ng paborito kung alak dito sa counter bar ng mansion namin naalala ko kung paano mamula ang pisngi ng secretary ko pagbinibiro ko lalo na ng subuan ko siya gamit ang aking kamay. Masaya na ako kahit alam ko kung gaano siya umiwas na wag magdikit ang balat namin, hindi ko lubos maisip kung bakit parang takot siya or talaga lang ayaw niya sakin. Alam kung ayaw niya sa pinakikita kung ugali sa kanya dahil narinig ko ang usapan nila sa pantry, pero napapansin kung parang may mali.
"Matutuklasan ko din kung anong bumabagabag sa isip mo." bulong ko sa isip ko."

      Lahat gagawin ko maging akin ka lang kung kailangan makipag-agawan ako gagawin ko, kung may masagasaan man ako wala akung pakialam." usal niya bago pa niya pinikit ang mga mata.

      Isang oras mahigit din ang naging biyahe namin bago kami nakarating dito sa venue isa ito sa pag-aaring hotel ng mga Hernaiz, a five star hotel. Paghinto palang ng sasakyan nauna ng bumaba ang boss ko at pinagbuksan ako ng pinto ng kanyang black audi, a gentleman epic, inalalay pa ako nito na ikinataas ng kilay ko, pero ngumisi lang ito ng makita ang ginawa ko. Hinapit pa ako nito sa bewang na ikinagulat ko kaya pinalis ko ang kanyang kamay na nakahawak sa bewang ko at sinamaan siya ng tingi.

      "Sinisiguro ko lang na andito kalang sa tabi ko" bulong niya sa punong tenga ko na nakapag pataas ng aking balahibo dahil naramdaman ko ang init ng kanyang hininga.

      "Tse" angil ko sabay irap sa kanya, napa-smirk naman siya at hinila na ako sa kamay, kung wala pang bumati sa kanya hindi pa bibitiw sa kamay ko.

You're My Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon