Chapter Eight

4 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi pa siya makakaupo narinig na niya ang boses ng boss niya sa intercom, nagmamadali na siya pumasok sa loob ng opisina nito alam niyang magbubuga na ito ng apoy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi pa siya makakaupo narinig na niya ang boses ng boss niya sa intercom, nagmamadali na siya pumasok sa loob ng opisina nito alam niyang magbubuga na ito ng apoy.

      "Your six minutes late Miss Rio alam mong tambak ang trabaho dito nakuha mo pang magpa-late, sino na naman ba sa mga lalake mo ang ka-date mo kagabi" sigaw nito sa kanya pagpasok palang niya sa opisina nito.

      "Na-traffic lang sir" aniya para hindi na humaba pa.

      "Alam mo palang ma-traffic dapat inagahan mong alis sa bahay ninyo, where's my schedule for today?" singhal na naman nito sa kanya. Kaya binuksan nalang niya ang tablet na hawak at binasa dito isa isa ang mga schedule nito, atsaka siya nagpaalam at nagmamadaling tinalikuran ito

      Kaaga-aga bad trip na naman siya, ngayon lang naman siya na-late simula ng pumasok siya dito, hindi tuloy siya makapag-concentrate sa trabaho idagdag pa sa naiisip niya malapit ng matapos ang kontrata niya wala pa siyang ipon, malapit na ang dating ng tiyahin niya, pinang-tuition daw ng dalawang kapatid niya ang pinadala niyang pera, ang Papa naman niya ay sapat lang ang kinikita ngayon para sa pang araw-araw nilang gastusin halos kulang pa nga kung totousin.

      Inisa-isa nalang niya ang mga folder sa ibabaw ng table niya ido-double check nalang niya at lalagyan ng mga code, sinilip pa niya muna ang boss niya na abalang makatutok ang mga mata sa laptop nito nakita niyang nakakunot ang noo nito. Hindi nga niya alam kung bakit yung kurtina sa tapat niya ay laging makahawi hindi naman maluwang pero sapat na para masilip ang labas tuloy nakikita siya kung ano ginagawa niya hindi rin siya makapag-relax at baka makita siya ng laging may saping boss niya at magbuga ng apoy.

      "Good morning Miss Rio ito na yung mga folder, ikaw na bahala dyan hinihintay yata yan ni Boss, ikaw na bahalang magbigay." ani ng isang finance staff.

      "Okay thanks" sagot niya dito

      "Thank you din" anito at tinalikuran na siya, kaya napa buntong hininga nalang siya dahil isa-isahin pa niya iche-check bawat folder bago niya ipasa sa boss niya. Kahapon pa hinahanap ng boss niya ang mga report ng finance department pero ngayon lang binigay sa kanya laging late kung mag-submit ng report ang finance di tulad ng ibang department up-dated.

You're My Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon