Chapter Seventeen

2 0 0
                                    

Ito na ang araw na kinatatakutan ni Margie, kagabi hindi siya nakatulog hindi rin siya nagbukas ng cellphone niya para makausap si Al

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito na ang araw na kinatatakutan ni Margie, kagabi hindi siya nakatulog hindi rin siya nagbukas ng cellphone niya para makausap si Al. Ayaw niya munang makausap ang binata, alam naman nito kung saan siya susunduin at kung anung oras. Sa bus na sinasakyan niya hindi rin siya mapalagay.

      "Miss may masakit ba sayo bakit parang namumutla ka" tanong ng babaeng katabi niya.

      "Wala naman po ate medyo mainit lang po" sagot niya dito.

      "Saan kaba natungo" tanong nito sa kanya.

      "Pa may Manila po ako ate, nagbakasyon lang po ako samin" sagot naman niya.

     "Naku mahabahaba pa ang lalakbayin natin matulog nalang muna tayo. anito.

      Pagbaba ni Al sa airplane nagmamadali na siyang sumakay sa sundo niya.

     "Sa office tayo" utos niya sa driver matapos nitong maisakay lahat ng dala niya.

      Pagpasok palang niya sa opisina niya nakita na niyang printing nakaupo sa couch ang mag-inang Aletha, na ikinagulat niya sa nadatnan.

      "Hindi mo sinabing may business trip ka pala dapat sumama ako" ani Aletha, kumapit pa ito sa leeg niya at hinalikan siya sa labi.

     "Oo nga iho dapat lagi mong sinasama ang anak ko sa mga lakad mo. dagdag pa ng ina ito.

     Pasimple niya itinulak ito palayo sa kanya ayaw man niyang maging bastus sa mga ito wala na siyang magagawa wala naman silang relasyon ni Aletha.

      "Sanay na ho akung mag-travel mag-isa, ayaw ko din nakakaabala ng ibang tao." diretso niyang wika.

     "Hindi naman iba si Aletha iho sooner or later kayo din dalawa ang magkakatuloyan. anito, kaya napaubo si Al.

      "Ayus ka lang sweetheart" ani Aletha hinagud pa nito ang likod niya, kumandong din ito sa kanya kaya naman mapatayo na siya dahil sa inasal nito. Pagtingin niya sa wrist watch niya late na siya sa napagusapan nila ni Margie kaya napamura siya ng mahina.

      "Excuse me may ka meeting pa ako maiwan ko kayo diyan" aniya sabay tayo at nagmamadaling lumisan kahit tinatawag pa siya ni Aletha.

     Ilan beses na niyang tinatawagan si Margie pero hindi ito sumasagot wala din ito sa meeting place nila. Kanina pa siya paikot ikot wala talaga ito kahit saan pa siya tumingin. Maya maya pa nakatangap siya ng text message.

      from Margie: andito ako cafèteria tapat ng terminal.

      Nakasaad sa text nito kaya dali dali na siyang sumakay sa kotse niya. Hindi naman siya nahirapan hanapin ito dahil hindi naman kalakihan ang cafetèria, nakita niya ito nakaupo kumakain malapit sa may glass window.

      "Bakit umalis ka agad hindi mo ako hinintay" aniya agad pag-upo niya sa harapan nito.

      "Ang tagal mo isang oras mahingit nakong naghihintay duon, gutom nako, ikaw ba kumain na?" tanong nito sa kanya. Kamalas malasan pa bago pa sila matapos kumain nakita na sila ni Kristel.

You're My Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon