Chapter Thirty Three

3 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kailangan kung pagplanohan lahat kukunin ko ang para sa mga anak ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kailangan kung pagplanohan lahat kukunin ko ang para sa mga anak ko. Gagawin ko lahat ng alam kung paraan upang magkaroon ng parti ang mga anak ko. Kaya ko na silang tapatan ngayon o mas higitan pa. Pero iba ang para sa mga anak ko may karapatan sila bilang isang Hernaiz. Bago pa sila makasal at bago pa kami umuwi sa America dapat nakuna na ang kailangan ko.

       "What! Naloloko ka na ba?" bulalas ni Trina ng sabihin ko ang mga plano ko.

      "Para sa mga anak ko ito. Hindi ba kaibigan mo rin siya ngayon?" ani ko. Kailangan kung magpa-awa sa kanya para makonbinsi siya sa mga plano ko.

      "Siya lang nakipag kaibigan sakin buhat ng iwan mo siya. Lagi niya akung pinipuntahan sa department ko, isinaaama din niya ako sa mga lakad nila. Hindi ko naman matangihan, boss ko siya, alam ko din kung bakit niya ginagawa yun. Umaasa siyang may makukuhang information ng whereabout mo. Doon ko nakilala si Sev." mahabang saad niya.

      "Alam kung malakas ka sa kanya hanggang ngayon. Kaunting favor lang naman hihilingin ko sayo." aniko kailangan ko siyang makumbinsi sa mga pinaplano ko.

      "Baka pagnalaman niyang kasabwat ako sa mga plano mo magalit sakin yun. Alam mo naman kung paano magalit yun, walang sinasanto yun isang yun. Baka magalit din sakin ang asawa ko alam mong hanggang ngayon hindi pa nagbabati ang dalawang yun lalo pa nga siyang nagalit ng naging kami ni Sev." litaniya niya.

      "Please Trina help me for this one para sa mga anak ko naman ito hindi naman sakin. Pagkatapos nito wala na mananahimik na'ko." pakiusap ko sa kanya.

      "Bakit kasi kailangan mo pang gawin yan? Maibibigay mo din naman lahat ng kailangan ng mga anak mo ng wala yun. Mas mayaman kapa nga ngayon kaysa sa kanya." angil niya sakin.

      "Iba parin kung galing sa mga Hernaiz." aniko.

      "Bakit kasi hindi mo nalang sabihin kay Al ang totoo at baka ikaw pa pakasalan niya." tungon niya sakin. Kaya napapaisip ako sa mga sinasabi niya.

      "Hindi nako umaasa pang makakasal kami. Iba ang nangyari samin hindi maganda ang naging simula namin at ayaw ko ng pag-usapan pa yun. Tapos na yun at hindi na maibabalik pa." aniko. Dahil naging parausan lang niya ako noon at walang pag-ibig na namagitan samin, ako lang nagmahal.

You're My Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon