Chapter Thirty Seven

0 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kasama ang mga agent na dati kung kasamahan at naging kaibigan din ni Dustin pinasok namin ang lugar kung saan nagtatago ang apat na hinihinalang mga bumaril kay mayor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kasama ang mga agent na dati kung kasamahan at naging kaibigan din ni Dustin pinasok namin ang lugar kung saan nagtatago ang apat na hinihinalang mga bumaril kay mayor. Isang maliit na barangay na halos layo layo ang mga bahay. Pasimple akung naglakad na para bang taga dito ako nakatira kasama ko ang isang secret agent din na bago sa grupo. Nasa di kalayuan naman ang ibang grupo na minu-monitor kami maging ang grupo nila Dustin.

Nagpanggap pa kaming nauuhaw kaya bumili kami ng soft drink sa tindahan malapit lang sa maliit na bahay na pakay namin na mukhang nagkakatuwan pa sila base narin sa dami ng inumin at pulutan nila sa ibabaw ng lamesa may iniihaw din silang mga barbeque na amoy na amoy ko dito sa kinatatayuan namin. Alam kung marami na silang pera ngayon dahil kumita sila sa ibinayad ng taong nag-utos sa kanilang itumba si mayor.

"Ang bago naman ng barbeque" kumento ng ilang batang naglalaro sa gilid ng kalsada malapit samin.

"May birthday siguro dyan mukhang nagkakasayahan sila." may kalakasan kung saad para marinig ng tindera.

"Siguro nga ang dami nilang handa may inumin pa." tugon din ng kasama ko na alam kung sinasakyan lang niya ang sinabi ko kaya malakas din ang boses niya.

"Nuon isang araw pa may kasiyahan d'yan sa kabilang bahay. Buhat ng dumating yun mga kumpare daw ni Teban. Mukhang madaming pera." sabad naman ng may edad ng babae na tindera.

"Taga saan naman ho yun mga kumapare nun Teban?" tanong ko para makakuha ako ng impormasyon.

"Taga lunggsod daw. Mukha naman hindi pahuhuli ng buhay napakayayabang." aniya na para bang wala siyang tiwala sa mga taong bisita daw nuong Teban. Kaya pinakiramdaman kung mabuti ang bawat kilos nila. Malalakas ang mga boses nila na para bang nagpapayabangan sila. Nagtatawanan din sila na para may ipinagdiriwang.

Matiyaga lang kaming nagmatyag sa mga tao sa loob ng bakuran ng may kaliitang bahay nakilala ko na ang dalawa base sa bulto at movement ng katawan nila ganuong ganuon ang nakita ko sa video. Tanging sa pamamagitan lang ng paggalaw ng mga mata namin kami nagkakaintindihan ng kasama ko. Kaya ng makita kung umupo na sa isang mesa ang mga target persons namin nagbigay na ako ng sign sa mga kasamahan namin na ibig sabihin ready at ano mang oras lalapit na sila sa ikalawa kung sign.

You're My Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon