Chapter Thirty Eight

0 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagkasundo kaming puntahan nalang namin si mayor para sa pagbasa ng DNA test result niya na hindi niya alam na kinuhanan at ipina-DNA namin siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagkasundo kaming puntahan nalang namin si mayor para sa pagbasa ng DNA test result niya na hindi niya alam na kinuhanan at ipina-DNA namin siya. Hawak din ni Andrei ang kwintas niya.

Maaga palang kanya kanya na kami ng sakay sa mga kotse namin para sunduin si Mayor dahil ngayon ang araw na malalaman kung totoo bang kapatid namin siya. Kahapon dumating na ang DNA test result niya hindi pa rin yun nababasa dahil ang gusto Andrei kailangan nakaharap si Mayor at nasa pangangalaga na ni Aquilla ang result. Wala pa rin siyang alam tungkol dito dahil hindi namin sinasabi sa kanila kung ano ba ang totoong pakay namin sa kanya ang alam lang niya tinutulongan namin siya, sila ng mag-ina niya. Dahil ayaw na namin dagdag pa ang mga alalahanin niya. Pero ngayon naka-recovered na siya at medyo malakas na kailangan na niyang malaman lahat.

Busina ng bawat sasakyan namin ang hudyat na kailangan na namin umalis para hindi kami tanghaliin sa daan naunang umalis si Noah kasunod niya si Calix sinundan naman ni Baxter, Aquilla at Andrei kaya halos akupado namin ang lansangan ng sunod sunod kaming umalis na para bang nagpaparada kami dahil puro sports car ang gamit nila, dalawa lang kami ni Earl ang naiba dahil laging madami siyang dalang gamit, mga camera at tripod dahil isa siyang IT at journalist. Nasa likuran naman namin sila Dustin at Aldrich magkasama naman sa isang sasakyan sila Erol at Klenton kasunod din namin ang iba pang kapatid ko dahil gusto din nilang makita ang location ng kapatid namin mayor para sa daratin na election daw matulungan nilang magampanya.

Sa bawat madaanan namin napapalingon samin ang mga tao may mga bumubusina din mga sasakyan samin dahil labing isa kaming nakapilang humaharurot sa kalsada lalo na ang nauunang si Noah na sanay na sanay na makipagkarerahan ng kotse. Buti nalang nasa ibang bansa sina Aarush at Anaki kung hindi malamang kasama din namin sila.

"Halika kayo pasok kayo." paanyaya ni Lorelei ng makita niya kami, binati din namin ang kinilalang ama ni Mayor. "Wala siya pumasok nasa City hall, kaalis lang din niya." aniya samin.

"Bihis ka at puntahan natin. Hintayin ka nalang namin dito." utos ni Calix dito na nagdadalawang isip pa.

"Sige na para hindi tayo tanghaliin sa daan." saad ko rin kaya iniwan niya kami. Sakto naman lumabas ang anak niyang babae kaya pinagkagulohan naman ng mga kapatid ko dahil ang cute niya sa suot na kulay pink na bistida.

You're My Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon