Chapter Nineteen

3 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa sobrang busy ko hindi nako makauwi sa condo namin ni Margie dahil nagkasakit si Mommy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa sobrang busy ko hindi nako makauwi sa condo namin ni Margie dahil nagkasakit si Mommy.

      "Al dadalhin ko sa America ang Mommy mo at duon ko ipapagamot" diklara ni Daddy pagpasok ko palang sa bahay namin.

      "Bakit Dad hindi ba kaya ng mga Doctor natin dito." tanong ko kay Daddy.

      "Gusto ng Mommy mo duon para makasama din daw niya ang nag-iisa niyang kapatid. One month lang naman kami duon. Alam kung kaya mo naman lahat ng trabaho dito. Malaki ang tinwala ko sayo." litanya ni Daddy para sa kalusugan ni Mommy kahit saan pa niya gustong magpagamot ayus lang basta gumaling lang siya.

      "Sayang lang at wala na si Miss Rio bakit kasi pinayagan mo pang mag-abroad dapat binigyan mo nalang ng ibang position, magaling pa naman yun." sabad agad ni Mommy. "May makakatulong ka sana. Malayu ang mararating ng batang yun." dagdag pa niya.
Kung alam lang niya kung nasaan si Margie baka mag-collapse pa si Mommy. Kaya napangisi ako. Alam kung gusto ni Mommy si Margie para sakin hindi lang niya ako madiretsa dahil sabi niya paiiyakin ko lang ito kaya buti pa daw mapunta nalang sa isang matinong lalaki. Kung wala lang daw girlfriend ang pinsan ko baka nireto na daw niya si Margie. Kaya kung minsan naiinis din ako kay Mommy pagdating kay Margie parang anak pa niya ang turing dito. Kamukha daw kasi ng kaibigan nila ni Daddy.

      "Iho ikaw na bahala dito" ani Daddy at tinapik pa ako sa balikat kaya nabalik ako sa wisyo.

      "Ayus lang Dad sanay nako. Ingat nalang kayo ni Mommy, ikumusta nalang niyo ako kila Tita at Tito at sa mga pinsan ko duon." bilin ko nalang sa kanila.

      "Ako na maghahatid sa inyo sa airport" prisinta ko nalang.

      Kinabukasan maaga akong pumasok gusto kung matapos na ang lahat ng mga gawain ko sa opisina. Para makauwi na ako sa bahay namin ni Margie.

      "Here's your coffee sir" ani ng secretary ko na hindi ko na pinag-aksayahan pang lingunin. Ibinaba na lang niyang bigla sa harap ko ang tasa. Pagkalabas ng secretary ko kinuha ko ang tasa ng kape at sinimsim yun. Naalala ko si Margie dati siya ang nagtitimpla ng kape ko. Dati kasama ko siyang gumagawa ng proposal ngayun ako nalang. Kung minsan naiisip ko siyang bigyan ng trabaho sa bahay kaya lang baka magalit dahil hindi na niya yun trabaho at layasan pa ako.

You're My Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon