Chapter Twenty Five

1 0 0
                                    

Napasandal ako sa likod ng bangkong kinauupuan ko sa narinig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napasandal ako sa likod ng bangkong kinauupuan ko sa narinig. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko kaya hinilot ko ang magkabila kong sintido. Sino ba talaga si Margarita Rio ano ba ang buhay niya ng mga nagdaan panahon. Bakit wala man lang akung alam tungkol sa naging buhay niya samantalang nakasama ko siya ng anim na buwan.
Iniiwas naman kasi niya ako pagnasa bahay ako nagkukulong siya sa kwarto niya hindi rin niya ako nilalapitan. Paano pa kami makakapag-usap kung ganuon ginagawa niya

     Tunog ng kubyertos ang nagpabalik sa wisyo ko ng marahan bitawan niya ang tinidor na hawak at masama niya akung tiningnan. Na para bang nang-uusig siya.

      "Anong nangyari sa kanya? Bakit siya nahospital? Bakit siya na unconscious?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

      "Hindi n'yo na dapat pang malaman it's a secret Sir walang nakakaalam nuon maliban sakin lang, hindi rin alam ng pamilya niya yun at mas lalong hindi niya alam na alam ko ang secret niya. Ako ang tinawagan ng agency nila alam nilang may sakit sa puso ang Mama ni Margie nag-aalala sila sa kalagayan ng Mama nito" saad niya.

      "Please gusto kung malaman kung anung nangyari sa kanya. Kung sekreto yun mananatili ding sekreto ko yun." aniko sa kanya. Nakita ko siyang umiling-iling lang.

     "Tsk!" palatak lang niya.

      "Please Miss Trina Domingo pwede mo akung pagkatiwalaan ng isang bagay. Wala akung pagsasabihan kahit na isa at mananatling sekreto natin kung para sa kapakanan ni Margie. Pangako." pagmamakaawa ko sa kanya at itinaas ko pa ang kanan kamay bilang pagsumpa.

      "Tayo na Sir tapos na ang lunch break" aniya at tumayo na siya pero hinila ko ang kamay niya para paupuin siya ulit.

      "Hindi tayo aalis dito hanggat hindi mo sinasabi ang sekteto niya alam mo bang mahalaga sakin kung anong man meron siya." angil ko sa kanya na ikinakunot noo niya.

      "Bakit Sir gaano naman kahalaga sayo ang kaibigan ko? Ang pagkakaalam ko hindi ka nagkaka-interest sa babae kung wala kang pakinabang, spare my friend Sir Al hindi lahat ng babae pwede mong paglaruan." taas kilay niya ding angil sakin.

      "Ok fine.. Seryoso ako kay Margie katunayan girlfriend ko na siya bago pa siya umalis ng walang paalam sakin" pagsisinungaling ko sa kanya para pagkatiwalaan niya ako. "Handa akong pakasalan siya kahit kailan, kahit saan niya gusto ganuon ko siya kamahal at kung ano mang sekreto niya tatanggapin ko ng buong puso." litaniya ko sa kanya. Kung kailangan kung mangumpisal sa kanya gagawin ko pagkatiwalaan lang niya ako alang-alang kay Margie gagawin ko lahat ng makakaya ko.

      "Tayo na Sir naglulukohan nalang tayu niyan." angil niya at tumayo nanaman siya.

      "Sit" mariin saad ko. Pero matigas din siya kaya hinila ko ulit ang kamay niya paupo.

    "Tsk" inirapan lang niya ako ng matatalim at padabog na maupo.

      "Sabihin mo na promise walang makakaalam nito. Magtiwala ka lang sakin. Handa akung gawin lahat para kay Margie katunaya itong suot na bracelet kong ito galing sa kanya at itong singsing na ito ang couple ring namin dalawa." paliwanag ko sa kanya at hinubad ko pa ang singsing at ipinakita sa kanya ang pangalan namin ni Margie na naka-engraved sa loob. Kaya nanlaki ang mga mata niya.

You're My Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon