Chapter Fourteen

2 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kagabi magdamag siyang hindi nakatulog alas dos palang gumayak na ang Papa niya kaya bago palang mag alas tres umalis na ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kagabi magdamag siyang hindi nakatulog alas dos palang gumayak na ang Papa niya kaya bago palang mag alas tres umalis na ito. Pag alis naman nito palakad-lakad lang siya sa living room niya, uminom na siya ng mainit na gatas pero hindi parin siya nakatulog dahil sa kakaisip sa offered ng boss niya. Kung tatanggapin niya yun solve lahat ng problema niya may sobra pa, pero ang tanong niya sa sarili niya kaya ba niya pagpasasaan ang katawan niya ng isang taong hindi naman nila mahal ang isa't isa.

      Alam niya galit ito sa kanya dahil kung tratuhin siya nito para lang siyang isang basahan, alam din niyang pag pumasok siya sa ganoon wala ng matitira sa kanya. Wala na siyang dangal na maipagmamalaki oo nga't may gusto siya kay Al pero hindi sa ganoong paraan niya gustong makasama ito. Sa laki ng halagang ino-offer nito sino bang taong gipit ang hindi kakagat sa 20million.
Sumimsim siya ng kanyang kape dahil kanina pa namimigat ang talukap ng kanyang mga mata, kanina pa siya hikab ng hikab inaantok na siya, gusto niyang umiglip kahit isa o kalahating oras lang.

      Kanina pa lihim na pinagmamasdan ni Al ang dalaga alam niyang hindi ito nakatulog, kahit takpan nito ng kung anung cream ang mata nito kita parin ang eye bags. Nangingiti siya dahil alam na niya kung ano ang sagot nito, mali man na gipitin niya ito pero ito lang ang alam niyang paraan para makuha niya ang gusto.

      Ito lang ang babaing hindi man lang niya nakitang nagka-interest sa kanya, hindi rin ito yumuyukod sa kanya naka-chin-up lagi ito, ibinababa lang nito ang tingin o di kaya'y ibinabaling ang tingin sa iba na parang may ipinagmamalaki mas madalas pa nga itong nakatingin sa taas, hindi rin siya nito tinitingnan kahit anung gawin niya baskus iniiwasan pa siya nito ayaw na ayaw din nitong nadidikit sa kanya. Samantalang halos maghubad nga sa paanan niya ang mga babae wala pa siyang ginagawa pero si Margie ibang ibang mahiram arukin ang ilalaman ng isip at damdamin nito.
Tingnan natin ngayon kung gaano ka katapang, makikilala mo kung sinong iniinsulto mo, ipapakita ko sayo kung sino ako, at sisiguruhin kung luluhod ka rin sa paanan ko't magmamakaawa tulad ng ibang babae, pera lang din ang katapat mo kaya kailangang masulit ang perang gagastusin ko sayo. Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni ng makarinig siya ng mahinang katok sa pinto kasabay noon ang pagpasok ng isang mistisahing babae naka shot ng maong na may mga punit, naka crop top na kita na ang pusod na may hikaw at belly buttom ring belt body kita rin ang cleavage nito. Isa ito sa mga naging fling niya, pero bakit andito ito anong kailangan nito tanong niya sa isip niya.

You're My Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon