Chapter Fifteen

2 0 0
                                    

"Cheers!!" hiyaw ni Luz sabay taas ng mga basong hawak nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Cheers!!" hiyaw ni Luz sabay taas ng mga basong hawak nila. Masaya silang lahat na magkakasama pero sa kabila ng kasayahang nilang yun nalulungkot parin sila, dahil ito ang huling gabing makakasama niya ang mga taong naging bahagi ng buhay niya sa loob ng apat na buwang pagtratrabaho niya sa kumpanya ng mga Hernaiz. Nasa tabi niya si Architect Roy ito ang sumundo sa kanya kanina nasa gawing kaliwa naman niya si Luz.

     Pinilit siya ng mga ito na mag-bar daw sila dahil last day niya kanina sa kumpanya ng mga Hernaiz bilang secretary ng CEO. Ayaw sana niya pero wala naman siyang magawa treat daw ng mga ito sa kanya yun. Kaya ito nagkakasayahan sila.

     "Mami-miss ka namin Margie, hinding hindi ka namin makakalimutan. Pag nasa Singapore kana tawag ka agad ha." aniya ni Luz, ito ang pinaka-close niya sa lahat. Dinahilan lang niyang natanggap siya sa isang kumpanya sa Singapore. Ayaw man niya pero kailangan niyang magsinungalin sa mga ito, yun lang ang tanging alam niyang paraan para mapagtakpan ang kahihiyang gagawain.

     "Huwag kayong mag-alala tatawagan ko kayo pag andun nako." tipid niyang wika.

     "Mag-iingat ka dun ha hayaan mo pag may time ako dadalawin kita duon" ani Roy, kaya naman napaayus siya ng upo, paano nga kung pumunta ito duon at malamang nitong gawa-gawa lang naman niya lahat.

     "Come on let's dance" pasigaw na wika naman ni Michelle dahil malakas ang sound.

     "Let's dance Margie" aya naman ni Roy kay Margie

     "Ano kaba hindi naman ako marunung magsayaw" tangi naman niya dito.

      "Okay lang yun parehas lang tayo, sayang ang gabi kung uupo lang tayo dito, let's enjoy the night while it's still young" anito at hinila sa siya sa kamay kasunod noun ang pagbabago ng tugtug mula sa maharut naging mabining musika ang pumailanglang. Inilagay ni Roy ang isang kamay ni Margie sa balikat nito at hinawakan niya sa bewang ang dalaga.

     Pagpasok palang ni Al sa club sinalubong na sila ng usuk at malakas na ingay, sanay na siya sa ganitong lugar naging madalang nalang ang pagpunta niya dito dahil sa tambak na trabaho sa kumpanya niya. Mukhang minsan sa isang buwan nalang siya nakakapunta dito. Dumiretso na sila sa counter at umorder ng paborito niyang alak, habang sumisimsim siya ng alak nagpalingon siya sa may dance floor, ilang beses niyang ikinurap ang kanyang mga mata baka namamalik mata nanaman siya pero ganuon parin hindi siya maaaring magkamali si Margie at Architect Roy nga ang kanyang nakikita halos magdikit ang katawan ng mga ito kaya naman inisang lagok niya ang alak na laman ng baso niya at umorder uli.

      Sinundan niya ng tingin ang dalawang tao habang naglalakad nakahawak pa sa bewang ng babae ang lalake, nakita niyang naupo ang mga ito kasama ang iba pang mga empleyado niya, masayang nag-iinuman ang mga ito, may kanya kanyang hawak na baso meron ding finger food. Mababakas din sa mukha ni Margie ang kasiyahan, nakita din niya kung paano hawiin ni Roy ang takas na buhok ni Margie at kung gaano kalapit ang mukha nito sa dalaga. Kaya hindi na niya namamalayan na nakarami na pala siya ng naiinum.

You're My Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon