Third Person POV
"Pre, ano bang plano mo kay Xavier?" Tanong ni Mike kay Bryce matapos nitong ikwento sakanya ang pagtira ni Xavier sa condo nya
Uminom si Bryce sa hawak nyang baso ng beer. Hindi nya alam kung papayag si Xavier. Sa reaksyon nito kahapon, baka nga hindi na ito bumalik sa condo.
"Plano? Wala akong plano.""Alam mo malungkot ka lang. Kung ako sayo, susunod nalang ako sa Thailand para hindi na masayang ang oras mo ditoo kaya, maghanap ka ng chix. Ang daming umaaligid sa condo mo diba?"
Bryce, "....."
"Kasi alam mo, pre. Mahirap yang ginagawa mo, mahirap pag feelings na ang nilalaro." Dagdag ni Mike bago inubos ang laman ng baso nito. Naiiling na tiningnan nya ang kaibigan. Hindi man aminin ni Bryce sakanya, alam nya na iba ang interes na pinapakita nito kay Xavier.
Nang makita ni Bryce na ubos na ang laman ng baso ni Mike ay agad nya itong sinalinan ulit ng beer.
"Kanino namang feelings ang paglalaruan ko? Wala namang feelings sakin si Xavier.""Pre, kahit ganon si Xavier, mahina yun. Hindi pa nga yun nagkaka-girlfriend eh. Wag mo namang bigyan ng trauma." Pabirong sabi ni Mike kahit may parte sakanya na umaasang seseryosohin ni Bryce ang sinabi nya.
"Bakit hindi pa?" Kaswal na tanong nito
"Takot yun. Takot na makasakit ng babae. Yung mama nya kasi, iniwan ng papa nya. Nakita nya kung gaano nasaktan ang mama nya kaya takot yun sa commitment."
Binaba ni Bryce ang basong hawak nya. May parte sa kanya ang nagdidiwang dahil sa nalamang hindi pa nagkaka-girlfriend si Xavier.
"Hindi nya naman kailangan matakot. Kasi hindi naman ako babae."Natawa si Mike saka makahulugang tiningnan si Bryce.
Tingnan natin kung sino ang matatalo at mananalo sa sinimulan mong laro.
***********************************
[ XAVIER POV ]
Matapos mag empake kanina ay nandito ulit ako sa harapan ng condo unit ni Bryce.
Akmang pipindutin ko palang ang doorbell nang malingunan ko sya kasama si Mike. Pagiwang giwang ang lakad habang parang baliw na nakangisi sakin.
"Xavier." Sabi ni Bryce
Paglapit palang ay naamoy ko na agad ang alak sa katawan nila"Tol." Tinapik ni Mike ang braso ko. "Pinayagan ka ni Tita?"
Umiling ako.
Hindi ko na tinanong kung paano nya nalaman dahil mukhang sinabi na sakanya ni Bryce ang dahilan kung bakit ako nandito
"Ilang araw lang naman."Sumandal si Bryce sa pinto at humalukipkip.
"Anong 'ilang araw?' ""Bakit? Ilang araw ka nalang naman talaga dito. Hindi mo naman siguro ako patitirahin dito kapag nakaalis ka na." Hindi ko na hinintay ang sagot nya at akmang hihilahin na papasok ang maletang dala ko nang pigilan nya 'ko.
"Hindi kita pinipilit. Kung ayaw mo, pwede pa namang magbago ang isip mo at umuwi na." Sabi nya
Winaksi ko ang kamay nya.
"Sira ka ba? Matapos kong bitbitin ang halos lahat ng damit ko dito, pauuwiin mo 'ko?" Sinipa ko pabukas ang pinto at nilagpasan sya. Bumungad sakin ang pamilyar na amoy ng pabango nya."Sige, tol. Ikaw na bahala kay Xavier." Rinig kong sabi ni Mike sa labas.
Umupo ako sa sofa at pinanuod syang isara ang pintuan.
"Kumain ka na?" Tanong nya pagharap sakin"Saan ako matutulog?"
"Sa kwarto ko."
Kumunot ang noo ko.
"Sa kwarto mo?""Isa lang ang kwarto dito. At yun ang kwarto ko."
Sinong niloko mo?
Sa kinauupuan ko ay may tatlong kwarto na agad akong nakikita at alam kong hindi pa kasali ang CR sa mga yon"Kung sa kwarto mo ako matutulog, saan ka matutulog?" Tanong ko
"Sa tabi mo." Natatawang sagot nya
"Pwede bang seryusohin mo 'ko?"
Napalitan ng ngisi ang tawa nya saka nahiga sa sofa na nasa harap ko. Iniunan nya ang kamay sa ulo nya at nahiga paharap sakin.
"Xavier, Xavier." Nakapikit na banggit nya sa pangalan ko. "Seryoso na ako simula pa nang ayain kita ng date. Mas seryoso ako nang sabihin kong sa tabi mo ako mahihiga."Akmang sasagot pa sana ako nang marinig ko ang mahihinang paghilik nya.
"Tulog ka na?" Tanong ko pero hindi sya sumagot.
Tumayo ako at dumukwang para silipin ang mukha nya. Nakapikit sya habang banayad ang paghinga.
"Bryce."Wala paring sagot.
Tulog na agad sya?
Dinampot ko ang isang throw pillow at binato sa mukha nya pero wala parin syang reaksyon.
Umayos ako ng tayo at tinitigan sya.
"Sa tabi ko pala ha? Pwes, manigas ka dyan sa lamig." Nakangising sabi koKinuha ko ang bag ko at naglakad na papunta sa kwarto nya. Akmang bubuksan ko na iyon nang bigla syang magsalita.
"Sinong may sabing maninigas ako dito sa lamig?"
Marahas na napalingon ako.
Ang kaninang akala kong tulog na ay nakatayo na at gising na gising. Dinampot nya ang hinubad nyang jacket at naglakad palapit sakin.
"Sa tabi mo ako maninigas."Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing bumilis ang lakad nya. Bago pa sya makarating sa kinatatayuan ko ay mabilis na akong pumasok sa loob ng kwarto at ni-lock ang pinto.