"Hindi ganyan, dapat pipindutin mo muna 'to bago ka tumira."
"Pano ko pipindutin yan eh ang liit?"
"Bakit may nakita ka na bang malaki nito ha? Yung kamay mo lang ang malake!"
"Syempre dapat malaki para masarap ang tira."
Sabay kaming natawa.
"Siraulo."Nilapag nya ang cellphone at sumandal sa balikat ko. Nasa sala kami ngayon at naglalaro ng games sa cellphone ko pero hindi nya parin makuha kahit ilang ulit ko na syang tinuruan.
"Ayoko na." Aniya
"Ang hirap mo naman kasing turuan." Sabi ko. Tinulak ko ang ulo nya at akmang kukuha ng chips nang itulak nya ako pabalik sa upuan at sya na ang kumuha.
Inilapit nya ang chips sa bibig ko na hindi ko naman tinanggihan.
"Xavier, pupunta dito bukas sina Kier. Baka asarin ka na naman nila, sapakin mo pag napikon ka."Isinandal ko sa headrest ng sofa ang ulo ko.
"Bat ko naman sya sasapakin?""Kasi may gusto sya sakin."
Bahagyang kumunot ang noo ko
"Seryoso ka ba? Diba may boyfriend yun?""Oo nga, pero bago naging sila, pinormahan nya muna 'ko."
Hindi ako umimik at bumalik sakin ang itsura ni Kier.
Matangkad, maganda magdala ng damit, kahit minsan cross dresser sya, hindi ko maitatanggi na mas gwapo sya sakin. Maganda rin sya magsalita at charming. Sa mga kaibigan ni Bryce, sya ang unang umagaw ng pansin ko."Xavier."
Tumingin ako sakanya.
"Bakit?"Ngumisi sya, "Kapag sinabihan ko si Kier na makipag break sa boyfriend nya para sakin, gagawin nya."
Dinampot ko ang cellphone ko at naglaro ulit.
Edi sabihan mong maghiwalay sila para tigilan mo na'ko. Bwisit."Alam mo ba, magaling yun si Kiersten." Bulong nya saka ipinatong ang kamay sa tiyan ko. Malakas na huminga sya sa tenga ko.
Malakas na tinampal ko ang kamay nya.
"Madalas kapag nasa Oblivion kami, sya ang bahala sakin magpasaya."
Hindi ko sya pinansin.
Hindi ko alam kung bakit biglang gusto nyang pag usapan si Kiersten pero halata namang sinasadya nya.
Hah, anong akala nya? Magseselos ako? Sa ganon kababaw na dahilan?"Xavier, gusto mo bang gawin ko sayo ang ginagawa ni Kier sakin?" Tanong nya saka kiniskis ang ulo sa balikat ko.
Dinampot ko ang throwpillow at pinalo sa mukha nya.
"Bakit hindi mo nalang gawin kay Kier yan?"Naaaliw na tumawa sya, "Maingay kasi yun kapag ginagawa ko sakanya ang ginagawa nya sakin."
Tumayo ako at kinuha ang tasa ng chips.
"T*ngina mo, bahala ka dyan." Sabi ko saka nagmartsa papasok ng kwarto."Xavier! Bumalik ka dito! Magaling ako mag masahe, tinuruan ako ni Kier!" Rinig kong sigaw nya.
Mag....masahe?
Sinipa ko pasara ang pinto.
"Anggaling mo talaga, Bryce Gabriel."*******************
Kinagabihan ay nakatanggap ako ng text mula kay Nani na pupunta sya para dumalaw. Ilang linggo ko na rin syang hindi nakikita kaya pumayag ako kaagad.
"Okay lang ba na pumunta sila dito?" Tanong ko kay Bryce. Pumasok ako sa kwarto nya at naabutan syang nagpapalit ng bedsheet.
"Pumupunta nga dito ang mga kaibigan ko, kaya okay lang na pumunta rin dito ang mga kaibigan mo."
"Pero iba naman yun, bahay mo 'to."
Lumapit sya at ipinatong ang kamay sa ulo ko.
"Anong pinagkaiba nun? Pareho naman natin 'tong bahay."Napakurap ako nang ngumiti sya. Totoong ngiti.
Unang beses na nahigit ko ang paghinga ko dahil sa ngiting yun..Hinawakan ko ang kamay nya sa ulo ko at ibinaba.
"Wag ka ngang ngumingiti nang ganyan." Kunot noong sabi ko.Tatalikod na sana ako nang bigla nya akong pihitin paharap ulit sakanya.
"Bakit, nahuhulog ka ba?"Hindi ako sumagot.
Lumapit sya sakin hanggang sa pumantay ang mga mukha namin. Ngumiti ulit sya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Biglang may dumaang pagkasabik sa mga mata nya habang nakatingin sa mga labi ko.
"Xavier..."
Alam ko na kung saan ito papunta, kung ano ang susunod nyang gagawin. Pero kahit konti ay wala akong nahanap na pagtutol sa isip ko.
Napalunok ako nang dahan-dahan nyang ilapit ang mukha nya sakin. Nakita ko kung paano ilang ulit gumalaw ang Adam's apple nya, kung paano sya napatiim bagang at at kung paano nya binasa ang mga labi nya na nagdulot lang ng kakaibang excitement sakin.
"Bakit ba biglang hindi ka na tumatanggi sakin ha?" Anas nyaDiretso akong tumingin sa mga mata nya.
"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?"Ngumisi sya saka tuluyang tinawid ang distansya ng mga labi namin.
Agad kong sinalubong ang halik nya.Kasalanan mo 'to, kaya bakit ako ang tinatanong mo?
Napapikit ako at kusang umangat ang mga kamay ko para humawak sa mga braso nya. Handa na akong sumagot sa halik nya nang biglang tumunog ang doorbell.
Agad kaming naghiwalay at nagkatinginan.
"Gandang timing." Dismayadong sabi nya saka pinisil ang pisngi ko.
Walang imik na naglakad ako papunta sa pinto ng kwarto nya.
"Xavier." Tawag nya.
"Bakit?" Tanong ko.
Ilang sandali nya akong tiningnan saka tipid na ngumiti.
"Nothing. Go ahead."Tumalikod na ako at lumabas ng kwarto.
Nani, hindi mo naman kailangang agahan. Pwede ngang hindi ka nalang sana pumunta.