Kinaumagahan ay halos hindi ko mailingon ang leeg ko sa sobrang ngalay ganon din ang binti ko.
Kagabi kasi wala akong choice kundi ang matulog sa sofa dahil iidlip palang ako pakiramdam ko ay may katabi akong buhawi dahil sa sobrang likot matulog."Anong problema?" Tanong ni Bryce nang madatnan ko sya sa kusina. May hawak syang plato na may lamang hotdogs.
"Bat di mo tanungin ang sarili mo?" Sagot ko. Dumiretso ako sa CR at naghilamos.
"Sorry. Kapag lasing ako malikot talaga akong matulog."
At madaldal.
"Good morning nga pala." Aniya. Kumpara sa ngiti nya kagabi, mabait at matino ang ngiti nya ngayon. "Wala naman akong ginawa sayo kagabi diba?"
Umupo ako sa harapan nya.
Tipikal na almusal ang nasa mesa. Sinangag, itlog, hotdog at kape."Wala." Tipid na sagot ko saka inangat ang tasa ng kape at uminom.
"Masarap ba yung kape?"
Tumango lang ako.
"Alam mo kung anong mas masarap pa dyan?"
Binaba ko ang tasa at diretsong tumingin sa kanya.
"Ikaw.""Hahahaha"
Naiiling na kumuha ako ng hotdog.
"Alam kong yun lang din naman ang sasabihin mo."Ngayon ko napansin na tipikal na lalaki lang rin si Bryce. Hindi palaimik pero madaldal kapag nasanay na sa isang tao. Kung matino lang ang mga sinasabi nya, baka tinuring ko nalang rin sya tulad ng pagtrato ko kina Mike.
"Ano ba ang gagawin ko dito?" Tanong ko nang hindi na sya umimik.
"Wala."
"Anong wala?" Ang inaasahan ko ay paglilinisin nya ako, paglalabahin, gagawing alila.
Uminom sya ng tubig.
"Mamaya punta tayo sa Oblivion.""Sa basement?"
Tumango sya.Underground bar ang Oblivion. Literal na underground dahil nasa basement ng isang abandonadong building malapit sa school. Mga members lang ang pwedeng pumasok doon dahil high-end, hindi ko alam na member dun si Bryce.
"Hindi ako member." Sabi ko
"Alam ko. Pero ako, oo." Tumaas baba ang mga kilay nya.
"Di mo sinabing pumapasok ka sa mga ganong lugar."
Kilala ang Oblivion na puntahan ng mga taong literal na naghahanap ng 'aliw'. Mahigpit ang security at malakas rin ang impluwensya ng mga may ari kaya hindi na ako magtataka kung may mga ilegal silang tinatago doon.
"Mga 'ganong lugar'? Bakit, ano ba ang Oblivion sa tingin mo?" Nakangising tanong nya.
"Puntahan ng mga adik."
Natawa sya.
"Mukha ba akong adik sa tingin mo?"Hindi ako umimik at sumubo lang ng pagkain.
Wala namang espesyal sa niluto nya pero bakit parang ang sarap?"Maayos na bar ang Oblivion. Mga kaibigan ko ang may ari, wag kang mag alala."
"Wag mo nalang akong isama."
"Sasama ka."
Sinamaan ko sya ng tingin.
"Pano kung ayoko?"Inilapag nya ang kutsarang gamit nya saka seryosong tumingin sakin.
"Ako ang boss dito, pag sinabi kong sasama ka, sasama ka."Natigil ako sa pagkain dahil sa tono ng boses nya.
"Gago ka ba?""OO, gago ako." Kinuha nya ulit ang kutsara at nagsimula ulit kumain.
Kumuyom ang kamay ko.
"Bryce, hindi porket humingi ako sayo ng pabor, ikaw na ng masusunod sa lahat ng gusto ko.""Magkaiba ang 'gusto' ko lang sa 'kailangan'. Hindi kita isasama dahil gusto ko lang. Isasama kita kasi kailangan mong sumama."
"Bakit kailangan kong sumama?" Kunot noong tanong ko.
"Kasi lahat ng kaibigan kong pupunta, may kasamang special friend."
"Ano naman?"
Tinaasan nya ako ng kilay.
"Anong ano naman?""Ano naman kung may kasama silang special friend?"
Hinimas nya ang noo nya at tumingin saakin na para bang sinasabing ang hirap kong kausap.
Hah! Ako pa talaga ang bibigyan nya ng ganong tingin?
Hindi sya nagsalita. Kumuha sya ng hotdog at dalawang kagat lang ay naubos nya iyon kaagad.
"Hindi ako umiinom." Sabi ko kahit ang totoo ay halos gabi gabi kaming umiinom noon nina Mike.
"Hindi rin naman ako papayag na uminom ka." Aniya
"Tapos ikaw iinom?"
Walang pag aalinlangang tumango sya.
"Ganito nalang, sasama ako pero iinom ako. Ano, deal?" Nakataas ang gilid ng labi na hamon ko sakanya.
"Deal."
Natigilan ako.
Kanina ayaw nya akong uminom tapos ngayon ang bilis nyang pumayag.Bakit parang iba ang pakiramdam ko dito?
"Bakit pumapayag ka agad?"
Patay malisyang tinapunan nya ako ng tingin.
"Kapag uminom ako, ikaw ang bubuhat sakin mamaya. Pero kapag ikaw ang uminom, hindi lang kita bubuhatin, ibabalibag pa kita sa kama."Nasamid ako.
Akala ko ba kapag lasing lang sya madaldal?
Kinuha ko ang kalahating piraso ng hotdog at binato sakanya - na nasalo nya naman kaagad.
"Di ka ba nahihiya sa pinagsasabi mo?""Bakit ako mahihiya? Diba mas marami akong sinabi kagabi?" Natatawang tanong nya. Nilagyan nya ako ng itlog sa plato na hindi ko naman tinanggihan. "Tsaka hindi naman ako BABAE para mahiya sayo."
Tumikhim ako.
"Sino naman may sabing babae ka?"Tumayo na sya at kinuha ang platong kinainan nya. Tumigil sya at pinaningkitan ako ng tingin.
"Kung babae ka, baka sineryoso kita. Hah!" Ulit nya sa sinabi ko kagabi. Gamit ang isa nyang kamay ay tinuro nya ako. "Maghintay ka lang.""Bakit? Magiging babae ka ba?"
Sumama ang timpla ng mukha nya at tumalikod na.
Bakit ba kapag hindi sya nagsasalita, pakiramdam ko may gagawin syang hindi maganda?