Chapter 12

249 19 2
                                    

"Ahhh...Xavier...ahh"

Yamot na pinalis ko ang makasalanang kamay na humahaplos sa dibdib ko at labag sa loob na nagmulat ng mga mata.

Lumingon ako sa katabi ko at hindi na ako nagulat pagkakita kay Bryce. Kagabi kahit lasing kami ay natatandaan kong sabay kaming nahiga at nakatulog.

Tinapon ko sakanya ang comforter dahil malakas ang aircon at manipis ang damit nya. Hindi natakpan ang katawan nya kaya umusog ako sakanya at inayos ang kumot.

Kumunot ang noo ko nang umungol ulit sya.

Wala namang problema sakin kung nananaginip sya pero bakit kailangang habang umuungol sya ay binabanggit nya ang pangalan ko?!

"Hmm...Xavier...."

Sinamaan ko sya ng tingin at hahampasin sana ng unan ang mukha nang bigla akong may maalala.

"Pag iisipan ko."
"Pag iisipan ko."

Napamura ako nang mahina at binaba ang unan.
Matatanggap ko kung sinabi ko yun kagabi dahil lasing lang ako, pero alam kong matinong matino ang pag-iisip ko nang mga panahong yun.

Napatingin ako sa pinto nang makarinig ng ingay mula sa labas.

Dahan dahan akong bumangon at lumabas para lang magulat dahil parang dinaanan ng bagyo ang buong sala!

Doon ko lang napansin na hindi lang basta kalat ang nandito, kundi may mga taong tulog at nakabalot sa kumot. Hindi ko man makita ang mga mukha nila ay alam ko na agad kung sinu-sino ang mga nakahiga

"Good morning." Sabi ng isang boses sa kusina.
Nang tingnan ko ay puting buhok agad ang nakita ko.

Si Yige.
Mukhang kakagising nya lang dahil magulo pa ang buhok at walang pang itaas.

Nagsalin sya ng kape at naglagay ng sliced bread sa toaster. "Pano kayo napunta dito?"

"Tinamad na kaming umalis pagkahatid namin sainyo."

"Lahat kayo hinatid kami?" Tanong ko

"Oo. Gusto nilang malaman kung friends lang ba talaga kayo ni Bryce." Kumunot ang noo ko. "This is all Kiersten's idea, not mine."

Pagkabanggit nya sa pangalan ay may biglang lumitaw na ulo sa sofa.
"Xavier, you're such a liar."

Tinuro ko ang sarili ko.
"Ako?"

"Who kisses a friend like that, huh? Who suck his friend's tongue like that, huh?"

Nalaglag ang panga ko.
"H-ha? K-kiss?" Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. "Sinong hinalikan ko??"

"Stop teasing him, Kier. Hayaan mong sya ang makaalala sa mga nangyari sakanila ni Bryce kagabi." Sabi ni Rixon na kakagising lang.

N-NANGYARI?
Kagabi??

"Anong nangyari kagabi?" May halong takot na tanong ko

Walang umimik sakanila at nagpalitan lang ng ngisi.

Napalunok ako at mabilis na dinama ang pwet ko.

"What are you doing?" Tanong ni Mico na nakangising umakbay sakin. "Checking your asshole?"

Napabunghalit ng tawa si Kier.
"Bottom things."

Nalukot ang mukha ko.
"Bottom?" Lalong pumait ang kapeng iniinom ko. Bottom my ass, kung may magiging bottom, sisiguraduhin kong hindi ako yun!

"You wanna know what bottom is?" Tanong ni Rixon.

Umiling ako.
"Hindi na kailangan." Baka kasi i-demo mo pa kung pano maging bottom pag umo-o ako.

Tinapik nya ako sa balikat.
"Don't worry, harmless kami. If you need help, just call us."

"Matagal na ba kayong magkakaibigan?" Pag iiba ko sa usapan. Sabay-sabay silang umupo at kumuha ng kape.

"5 years." Sagot ni Yige

"May mga kaibigan naman pala sya, bakit kailangang sakin pa sya magpasama magbakasyon?" Napailing ako. Kumagat ako sa toasted bread.

Tumaas ang dalawang kilay ni Rixon, "Magpasama?"

"Oo. Sabi nya hindi kayo pwede."

Ngumuso si Kier, "We are always available. Wait, saan ba nag aaya ng bakasyon si Bryce?"

"Wala syang sinabi. Sabi nya lang samahan ko sya buong bakasyon." Nagsalin ulit ako ng kape.

Natawa sya.
"You said yes?"

Sabay sabay silang nagpigil ng tawa nang tumango ako. "Bakit?"

"Don't tell me you moved in? Did he asked you to live here..with him?"

Nabitin ang pag inom ko ng kape.
"Bakit may problema ba?"

Nagsulyapan si Yige at Mico.
"This calls for a celebration." Aniya na may himig ng pang aasar sa boses

Tinaas ni Mico ang tasa nya na parang nag aalok ng 'cheers'.
"Let's cheers for the new BOTTOM of the gang."

T*ngina?

Be Crazy With Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon