"Xavier..."
"Ano na naman?"
"Galit ka ba?"
Tumaas ang kilay ko nang biglang lumambot ang boses nya.
Kanina kulang nalang kainin nya ako nang buhay dahil sa galit kay Nani.Kinuha ko ang throwpillow at ginawang unan. Nahiga ako sa sofa at patagilid na humarap sakanya saka sya pinag masdan.
Prenteng nakaupo sya sa pang isahang sofa habang nilalaro ang dulo ng damit nya. Kanina matapos ang init ng ulo nya, hindi kami nag imikan at kanya kanyang pumasok sa kwarto. Nang lumabas ako ay nakita ko syang nakaupo sa sofa at mas lalo kaming magkakailangan kung iiwas din ako. Knowing Bryce, kahit galit sya o hindi kayo nag uusap, kapag kinausap mo sya, siguradong papansinin ka nya kahit gaano pa kasama ang araw nya. Kaya umupo nalang ako sa harap nya at pilit kinalimutan ang nangyari.
At tama nga ako, dahil kakaupo ko palang ay sya na ang nagsimula ng usapan."Alam mo ba ang isa sa mga rules pag wala kayong label?" Tanong ko
Hindi sya umimik at tiningnan lang ako.
"Hindi pwedeng magselos."
Kumunot ang noo nya.
"Alam mo rin ba ang rules ko sa bahay na'to? Kapag tumira ka dito, ibig sabihin kahit walang label, akin ka na. Pwede akong magselos, magalit at pumatay ng mga taong hadlang satin."Binalibag ko sya ng unan.
"Alam mo, kung ako sayo babawasan ko yang kabaliwanan ko. Pano nalang kung totoong may boyfriend ka na ha? Tingin mo maganda yung pati mga kaibigan nya pagseselosan mo?"Sinamaan nya ako ng tingin habang
pumait naman ang panlasa ko dahil sa sarili kong tanong.
Kung magkaka-boyfriend man sya, siguradong mag aaway lang sila lagi. Bryce is obviously an Alpha. The dominant one. And a dominant one deserves a more dominant partner. Pwera sakin, hindi ko alam kung may makakatagal sa ugali nya.Pero hindi ko sya pinipigilan na magka-boyfriend ha. Ang sinasabi ko lang, mag aaway lang sila at mauuwi lang sa hiwalayan. Maliban sa nagsayang sila ng oras, sayang din ang mga maiinvest na feelings, kaya kung ako kay Bryce,
"Wag ka nalang magbo-boyfriend."
Umayos ako ng higa at tiningnan ang cellphone ko.
Hindi pa rin nagtetext si Nani matapos nyang dumalaw."Pano kita magiging boyfriend kung hindi ako magboboyfriend?"
Tumaas ang mga kilay ko at wala sa sariling,
"Ang ibig kong sabihin, wag kang magbo-boyfriend ng iba maliban sakin."Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa cellphone nang unti-unti kong maisip ang sinabi ko.
Tumingin ako kay Bryce na parang tangang nakangisi.
"Bakit ganyan ang ngiti mo ha?" Kinakabahang tanong ko. Nasabi ko ba nang malakas ang nasa isip ko?
"Wag mong bibigyan ng ibang kahulugan ang mga sinabi ko. Concerned lang ako sa magiging jowa mo, kawawa lang sya sayo. Isipin mo, pinanganak sya para maging kawawa sa piling mo? Tingin mo anong kamalasan yun, ha?"Lumawak ang ngisi nya
"At ikaw hindi?"Lumikot ang mga mata ko, "Hindi! Kasi ako kayang kaya kitang tirisin at hindi ako papayag na maging bottom sa relasyong 'to!"
Naningkit ang mga mata ko sa hiya nang humalakhak sya. Tumayo sya at tumalon diretso sa tabi ko.
"Xavier, okay lang na maging bottom ako." Ngiting ngiti na sabi nya. "Maisip ko lang na nasa top kita, para na rin akong nasa langit."Tinulak ko ang paa nya nang isandal nya iyon sa ibabaw ng binti ko.
"Tumigil ka nga. Mamaya lang nandito na yun sina Kier."Hindi sya umimik at isinandal parin ang binti sakin at ngumiti,
"Xavier, bakit ang tigas ng abs mo?" Nakapikit na tanong nya habang pinipisil pisil ang tiyan ko. "Alam mo ba kapag matigas yung abs, matigas rin si baby Xavier?" Bigla akong kinabahan nang muntik nya nang ipasok ang kamay nya sa shorts ko.