Chapter 15

264 16 1
                                    

Iniunan ko ang dalawa kong kamay sa ulo ko.
Nasa loob parin ako ng kwarto at wala akong naririnig kahit anong ingay mula sa labas. Kahit sa katabing kwarto kung saan naroon si Bryce.

Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang sagot kung bakit ako tumugon sa halik nya.

Dahil ba gusto ko na rin sya o dahil masarap lang talaga syang humalik?

Dahan-dahan akong bumangon at pumunta sa CR para maghilamos.
Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin lalo na sa parteng dati ay nakalaan lang para sa babae.

Ang mga labi ko.

Napapabuntong hiningang nagpunas ako ng mukha at babalik na sana sa kwarto nang parang sirang plakang bumalik sa isip ko ang sigaw ni Bryce kanina,

"Sabi mo pag iisipan mo kung pwede tayo!"

Kung pwede tayo...

Siguro kung sa iba ko iyon narinig, baka tawanan ko lang. Pero bakit nang marinig ko yun mula sa bibig ni Bryce, biglang nagkaroon  ng ibang kahulugan..
Mas malalim, mas nakakainis, nakakainis kasi mas naaapektuhan ako..

Sino ba sya sa akala nya? Sya lang naman ang pumuno ng corrections sa essay ko at naging dahilan kung bakit ako bumagsak sa isang subject, hiningan ko ng tulong, nagpasama sakin magbakasyon at ngayon gusto nyang pumasok sa buhay ko na parang wala lang? na parang normal lang?

Simula nang bumalik kami galing sa Oblivion, ang akala kong tipikal na lalake na kaya kong tratuhin na gaya sa mga kaibigan ko ay mas komplikado pa pala sa inaasahan ko.

Bigla kong naisip ang sinabi ni Kier nang gabing yun, "Let me warn you, if we are crazy, Bryce is crazier."

Dapat pala ay sineryoso ko 'yon. Hindi sana kami umabot sa puntong kukwestiyunin ko ang mga desisyon at prinsipyo ko sa buhay, dahil nang sandaling ipasok nya ang kamay nya sa suot kong pang itaas at sumagot ang katawan ko, alam kong para ko na ring pinagkanulo ang sarili ko sakanya.

Napapailing na naglakad ako papunta sa pintuan nang bigla akong matigilan

Teka, sinabi ko bang masarap syang humalik?

Kunot noong hinawakan ko ang doorknob, binuksan ang pinto at mukha agad ni Bryce ang bumungad sakin.

"Xavier."

Nilagpasan ko sya pero agad nyang ikinawit ang mga braso nya sa braso ko saka humilig sa balikat ko. Kahit nagulat, may parte sakin na hindi na umangal pa.
"Xavier, wag mong sabihing hindi mo ako papansinin dahil sa nangyari?"

Pinitik ko ang noo nya.
"Ikaw nga walanghiya, para saan pa kung mahihiya ako?"

Gumuhit ang ngiti sa mga labi nya.
"Pinapasaya na naman ako ng little pumpkin ko."

"Kapag pinagpatuloy mo pa ang pagtawag sakin ng ganyan, maniniwala ka bang kaya kitang ihagis sa labas ng bintana?"

Natawa sya at sumabay sakin sa paglakad habang nakapulupot parin sa braso ko.
"Little pumpkin...Little pumpkin..Little pumpkin.."

Siniko ko sya at hinayaang mabaliw.
"Bitaw na." Sabi ko nang makarating kami sa kusina

"Ayaw."

Sinipa ko sya nang mahina.
"Hinayaan na kitang humawak sakin, hinayaan na rin kitang halikan ako kanina, ano pa bang gusto mo?"

Inilapit nya sa tenga ko ang bibig nya at bumulong.
"Gusto kong kumain ng estudyanteng bumagsak sa essay kasi mali ang grammar."

Mabilis kong inalis ang mga braso nya at lumayo sakanya. Kapag hindi ko yun ginawa, sa takbo ng utak nya, hindi malayong gawin nya yun.
"Gutom na 'ko."

"Then, let me cook for you, boss." Tumaas baba ang kilay nya at pumasok sa counter. "Maliban sakin, ano pa ang gusto mong kainin?"

"Impress me." Pagkasabi ko nun ay parang nakalaklak ng energy drink na kumuha sya ng mga lulutuin sa ref at nagsimulang maghiwa sa harapan ko.

"Xavier, pagkatapos nito hindi mo na gugustuhing kumain ng luto ng iba."

Hindi ako umimik at pinanuod lang ang eksperto nyang mga kamay sa paghiwa. Hindi gaya ng unang beses nya akong ipagluto na may kasama pang hiya, ngayon ay nagyayabang na sya.

Mga kamay na nakahawak sakin kanina at...

Mabilis na pinalis ko ang namumuong scenario sa utak ko.

"Xavier."

"Hm?"

"Can we be...friends?" Seryosong tanong nya na hindi tumitingin sakin. Nilagay nya ang mga hiniwa nya sa lababo at pinabuhusan ng tubig.

Natigilan ako.
"Friends?"

Hindi ko alam kung narinig nya ang pagtataka sa boses ko dahil bahagya syang natawa.
"Syempre higit pa dun ang gusto ko. But I want to take it slow."

Hindi ako nagsalita.
Take it slow?
Friends?

Bakit hindi iyon ang inaasahan kong marinig mula sakanya?

Ngumisi ako.
"Nabagok ka ba kanina kaya you want to take it slow?"

Nilapag nya ang kutsilyong hawak nya at dumukwang palapit para pisilin ang pisngi ko.
"Ayoko lang na biglain ka sa mga bagay na gusto ko. Alam ko naman na bago sayo lahat 'to. You're straight, I'm not. I like men, you like girls. Gusto kong bigyan ka ng panahon para makapag adjust sakin."

"At pano ka naman nakakasiguro na mag aadjust ako para sayo?"

Nagkibit balikat sya.
"Kung hindi ka mag aadjust, bakit nandito ka parin?"

Naumid ang dila ko.

"Xavier, bukas ang pinto. Hindi kita pinipigilang umalis." Ngingisi-ngising sabi nya. "Pwera nalang kung may pumipigil sayo. Sino kaya yon?" Patay malisyang tanong nya habang hinihimas ang baba.

Mabilis na kinuha ko ang isang buong carrots at binalibag sakanya.
"Bahala ka dyan maglutong mag isa." Sabi ko saka naglakad papunta sa sala.

Bryce Gabriel, nakapag desisyon na akong maging mabait sayo, ikaw lang talaga ang mahilig sumira ng magaganda mong pagkakataon sakin.

"Little pumpkin...my Xavier little pumpkin..." Kanta nya mula sa kusina.

Bumuklat ako ng magazine kahit wala naman akong balak magbasa at nasa kusina ang tenga ko.

"Xavier...Xavier...My little pumpkin...My little wife..."

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang ulitin nya ang wala sa tono nyang pagkanta.
"Bryce Gabriel, wag mong masyadong galingan, baka masyado akong matuwa sayo at hindi na ako umalis dito."

Be Crazy With Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon