"Masarap ba?" Tanong nya nang kumakain na kami. Nilagyan nya ako sa plato ng niluto nyang stir-fried pork.
Tumango ako.
"Pano ka natutong magluto?""Mula nang umalis sina mama papuntang Thailand."
Nabitin ako sa pagsubo.
Thailand.."Muntik ko nang makalimutan. Kailan ka aalis?"
Nagkibit balikat sya.
"Pwede namang hindi.""Pano mo naman nasabi? Nalakad mo na lahat, diba?"
"Nilakad ko kasi wala akong dahilan para mag stay."
Hindi ako umimik.
"Okay na yung grades mo, wag mo nang isipin yon." Dagdag nya bago uminom ng tubig.
Tumango tango ako.
Kung hindi nya binanggit ay muntik ko na iyong makalimutan.
"Salamat.""You're welcome." Nakangiting sabi nya. "Yun naman ang rason kung bakit ka nandito."
"Dapat sinabi mo na agad. Para hindi na ako nakakaabala sayo dito."
Natawa sya.
"Abalahin mo ko, Xavier. Ako na ang nakikiusap sayo.""Hanggang sa umalis ka papuntang Thailand?"
Nakaramdam ako ng pagkailang nang hindi sya sumagot.
"Bakit sa Thailand kayo nag migrate?" Pag iiba ko sa usapan.
"Kasi taga doon ang mama ko." Sagot nya.
"Half-Thai ka?"
Tumango sya.
Kaya pala.
Sa tangos ng ilong nya, sa tabas ng mukha at sa tangkad, halatang may halo ang dugo nya."Pwede magtanong?" Sabi ko.
"Ano yun?"
"Bakit lalake ang gusto mo?" Diretsa kong tanong. "Gwapo ka, siguradong maraming nagkakagustong babae sayo."
"Gusto mo bang magkagusto ako sa babae? Pwede naman." Nakangising tanong nya. Kinunutan ko sya ng noo kaya nagpatuloy sya. "Pag lalake, walang problema. Hindi mo kailangang manuyo, manligaw o magbigay ng kung anu-ano para lang mapasayo. It's all about feelings, mutual feelings for each other."
Uminom ako ng tubig at hindi kumbinsidong tumingin sakanya.
"Yun lang? Ayaw mo lang manligaw at manuyo kaya lalake ang gusto mo?"Umiling sya.
"It's all about hormones. Men are better to fuck than women."Muntik ko akong masamid kahit hindi umiinom.
"Alam mo maghanap ka ng kausap mo." Masama ang tingin na sabi ko saka malalaki ang subo na kumain."Xavier, seryoso ako."
"Saan? Na mas magandang kasex ang lalake kesa sa babae? Tingin mo maniniwala ako sa kademonyohang yan?"
Malakas syang natawa saka bigla ring sumeryoso.
"I told you, it's all about feelings. Nang magkagusto ako sa lalake, yun na yon. Hindi na ako nagkagusto sa babae. Hindi dahil gusto ko lang kundi dahil yun lang talaga ang nararamdaman ko.""Sino ang una mong naging boyfriend?"
"Wala."
Nalukot ang mukha ko.
"Wala nga. Pag walang label, ibig sabihin hindi kayo, diba?" Nakangising sabi nya
"Ano yun? Friends with benefits? Halikan as a friend?" Matabang kong tanong
"Hindi ako nananamantala ng kaibigan, Xavier."
"Kaibigan mo rin naman ako, pero bakit mo 'ko hinalikan?"
"Hindi mo alam pero sa mga kaibigan ko, wala pa akong jinowa o jojowain. Ikaw palang."
Tumusok ako ng isang malaking piraso ng karne at mabilis na isinubo sakanya.
"Pwede bang mag isip ka muna bago magsalita ha?"Hirap na nginuya nya ang isinubo ko.
"Bakit naman? Totoo naman ang sinasabi ko.""Pero hindi lahat ng sasabihan mo ng ganyan kaya kang balewalain lang. Hindi lahat hindi ka magugustuhan."
Nabahiran ng pagkalito ang mukha nya.
"Ano naman kung magustuhan nila ako?"Dumukwang ako at hinila sya sa kwelyo.
"Pinanganak ka bang gago? Gustong gusto mo na maraming nagkakagusto sayo?""Xavier, okay na sakin na ikaw lang ang may gusto sakin." Sabi nyang matamang nakatingin sakin
Inilapit ko ang mukha ko sakanya.
"Edi itikom mo yang bibig mo at wag kang bumabanat kung kani-kanino."